Chapter 16

55 5 0
                                    

Kayceelyn Morraine's 



Inayos ko ang pagkakakarga ko kay Kendrix na nakatulog na dahil sa medyo matagal ding pagbyahe naming mag-ina bago ko inakyat ang isang may kalumaang hagdanan. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang makaramdam ako ng panginginig ng tuhod dahil talagang mabigat na si Kendrix. Pansamantalang huminto muna ako para magpahinga. Muli ay inayos ko ang pagkakakarga kay Kendrix .. napangiwi na lang ako nang umigik ito dahil naalimpungatan. 

"Shush, sandali na lang mahal. Malapit na tayo kay Daddy" kahit nananakit na ang mga tuhod ko ay nag-umpisa na ulit akong umakyat hanggang sa marating ko ang ika-tatlong palapag kung saan sabi ng mga bagong may-ari ng bahay ni Jerick ay dito na siya naninirahan. Dito daw kasi yung address na binigay sa kanila ni Jerick para maipadeliver nila ang ilang mga kagamitang naiwan nito sa bahay. 

Maayos naman ang lugar, yun lamang ay hindi maitatangging luma na ang gusali. Isa itong building na may anim na palapag. Sa isang palapag ay may tig-sasampung kwarto na pinarerentahan. So far ay tahimik naman ang lugar. May mga taong napapatingin sa amin ni Kendrix pero wala naman silang sinasabi.

Nang makarating ako sa tapat ng room 304 ay ilang beses akong bumuntong hininga bago kumatok. Hindi ko sure kung narito nga siya pero gusto kong magbaka-sakali. Gusto ko siyang makausap at gusto kong malaman kung anong nararamdaman niya ngayon. Alam ko kung gaano niya kamahal ang bahay na yun dahil sabi niya ay iyong lugar na yun lang daw ang nag-iisang saksi na sa tanang buhay niya ay minsang nabuo din daw ang pamilya nila. Isa pa, naiinis din ako dahil nagawa niyang ilihim sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya pala ayaw niya kaming pauwiin ni Kendrix. 

Matagal bago bumukas ang pinto kaya inulit kong muli ang katok ko. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at bumugad sa akin ang iritableng mukha ni Jerick. Gulo-gulo ang buhok niya at naka-boxers lang niya. Siguradong naistorbo ko ang tulog niya. 

"Kays" nanlalaki ang mga mata niya sa gulat pero pinanatili kong blanko ang mukha ko. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napakamot siya sa batok niya. Guilty. 

"Kailan mo balak ibalita sa akin na iba na pala ang nakatira sa bahay? Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" mahina lang ang pagkakasabi para hindi makatawag ng pansin sa mga taong pasimpleng napapatingin din sa amin. Napabuntong hininga si Jerick at saka dahan-dahang kinuha sa akin si Kendrix. Matapos nun ay hinawakan niya ako sa kamay at saka inakay papasok ng apartment. 

Nang makarating ako sa loob ay ipinalibot ko ang tingin sa paligid. Maliit lang ang kabuuan at iisa lang ang kwarto. May sarili namang living room, kusina at banyo. Kumpleto na rin sa kagamitan dahil ito rin yung mga gamit sa dati niyang bahay. Buti na lang pala at mabait ang napagbentahan niya ng bahay at hinayaan siyang dalhin ang mga gamit na ito. Pero sure din akong may mga naiwan pa doon dahil hindi magkakasya dito ang lahat ng mga gamit niya. 

"Love?" muling tawag niya sa akin kaya hinarap ko siya. Hindi na niya karga si Kendrix -- siguro ay ihiniga na niya sa kwarto. 

"Explain" bumuntong hininga siya at saka dahan-dahang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila paupo sa couch. Hindi siya naupo sa tabi ko bagkus ay lumuhod siya sa harapan ko at yumakap siya sa bewang ko. 

"I'm sorry kasi hindi ko nasabi sayo. Naiipit na kasi ako sa sitwasyon. Ayokong makitang pinagagalitan ka ng mommy mo. Ayokong marinig na sinasabi niyang may lalaking mas nararapat pa sayo dahil baka magbago pa ang isip mo sa'kin. Natatakot ako, Kays. Natatakot ako na iwan mo ako pag narealize mong tama naman ang sinasabi ng mommy mo" may tumutulo ng luha sa mga mata niya kaya sinapo ko ang mukha niya at maagap na pinunasan yun. My heart suddenly melted right after I saw vulnerability in his eyes.

More Than BeforeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin