Chapter 18

52 4 0
                                    

Jerick Francis'

Malawak ang ngiting iginawad sa akin ni Mr. Gomez nang iabot ko sa kanya ang titulo ng bahay matagal kong iningatan. Hindi ko nakuha ang talagang presyo noon dahil walang ganung kalaking pera si Mr. Gomez. Kung hindi ko lang talaga kailangan ay hinding-hindi ko bibitawan ang bahay na ito.

"Maraming Salamat, Jerick" sabi niya sabay abot ng cheke sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa sa kalahati ang halaga ng presyong ibinayad niya. Kung tutuusin ay luging-lugi talaga ako dahil maayos na maayos pa ang bahay namin.

Ang bahay na naging saksi na ni minsan sa buhay ko ay nagkaroon din ako ng isang buong pamilya. Na kahit bilang lang yung mga araw na masasabi kong naging masaya kami ng mga magulang ko sa bahay na iyon ay gusto ko pa rin itong pakaingatan.

Napabuntong hininga na lang ako at saka lumabas ng restaurant kung saan kami nagkita ni Mr. Gomez. Matagal na niya akong kinukulit tungkol sa bahay pero tumatanggi ako. Nangako kasi ako sa sarili kong doon na ako tatanda. Saka isa pa, may part pa rin kasi sa akin na umaasa na sana, kahit isang araw lang, uuwi ulit ang mga magulang ko sa bahay na iyon at yayakapin nila akong muli.

Pero kanina, habang naririnig ko ang mga panlalait ng mommy ni Kays ay hindi ko maiwasang manliit sa sarili. Lahat ng mga lumalabas sa bibig niya ay pawang katotohanan. Wala akong kwenta. Wala akong maipagmamalaki .. na may lalaki pa talagang mas deserving kay Kays.

Tapos nung nakita kong nasasaktan na si Kays sa mga sinasabi niya ay hindi na ako nag-isip pa. Kaagad kong tinanggap ang hamon niya kahit na hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.

Kaya kahit labag man sa kalooban ko ay tumawag ako kay Mommy pero ibang tao ang sumagot sa numero niya. Boses ng isang batang lalaki kaya kaagad ko ring ibinaba ang tawag. Sunod naman ay kay Daddy pero asawa niya ang nakasagot at pinagbagsakan lang ako ng telepono. Wala na akong ibang choice tapos naalala ko si Mr. Gomez. Kaagad naman itong nakipagkita sa akin at instantly, wala na kaagad akong bahay.

--

"Woah! Engrande ang pabinyag natin, paps ah!" Ngiting-ngiti na sabi ni Hans pagkaabot ko sa kanila ng invitation. Narito kami ngayon sa bahay ni Miguel dahil nagrequest ang mga loko loko na magkita kita man lang daw kami. Nalaman kasi nilang day off ko sa part time job ko.

Tipid na nginitian ko lang sila. "Wala .. n-nagpadala kasi ang parents ko para sa apo nila" hindi makatinging sabi ko sabay inom sa beer na hawak ko. Ayokong malaman nila ang nangyari dahil siguradong gagawa na naman sila ng paraan para matulungan ako. Hiyang-hiya na ako sa kanila.

"Buti naman. Nakaka-alala pa pala sila" sarkastikong sabi naman ni Lynard kaya napayuko na lang ako.

Nagsimula na silang magkulitan pero nanatiling tahimik lang ako at paminsan-minsan ay nakikitawa sa kanila. Hindi naman sila nagtataka dahil sanay na sila sa'kin na ganito lang ako. Siguro mas magtataka pa sila pag nakigulo ako sa mga kalokohan nila.

Habang umiinom kami ay nakatanggap ako ng text mula kay Kays. Iyak daw nang iyak ang anak namin kaya nagmamadaling nagpaalam ako sa mga kaibigan ko. Naroon kasi ang mag-ina ko sa bahay ng mommy ni Kays dahil ayoko silang iuwi sa maliit na apartment na tinutuluyan ko. Hindi sila nababagay sa ganung lugar. Isa pa, hindi pa rin alam ni Kays ang tungkol sa bahay. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

Pagkarating ko sa bahay nila ay inakyat ko na lang ang pader hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Kays. Bawal kasi ako dito sa loob. Swerte nga na pinapayagan pa ako ng mommy niya hanggang sa pool area or sa garden pag dinadalaw ko ang anak ko. 

Pagkakita ko kay Kendrix ay kaagad ko siyang binuhat at isinayaw sayaw. "Bakit umiiyak ang mahal ko?"

Nakita ko namang nakatitig sa akin ang bata habang may mga sounds siyang ginagawa. Parang nagsusumbong sa akin ang bata. Tumatango-tango na lang ako habang kinakausap siya kaya pagkaraan ng ilang sandali ay tumahan na rin siya.

More Than Beforeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن