Chapter 19

50 5 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Magkaaway ba kayo ni Jerick?" Bulong sa akin ni Andrea habang naniningkit pa ang mga mata niya. Nandito kasi sa apartment ang buong barkada para sa celebration ng first birthday ni Kendrix. Basta na lang silang dumating at may dalang mga pagkain, balloons at tarpaulin pa.

"H-hindi naman" Hindi makatinging sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga pagkaing dala nila sa maliit na lamesa. Hindi na nga magkasya ang mga dala nila kaya nanghiram na kami ng isa pang lamesa kina Aling Thelma.

Nakakatuwa dahil kahit papaano ay nagkaroon ng handa ang anak ko para sa unang kaarawan niya. Ang original plan kasi namin ay magsisimba lang kami at kakain na lang sa labas. Wala na kasi kaming budget dahil nagbayad ako ng mga miscellaneous fees sa school. Hindi naman kasi covered yun ng scholarship ko. Hindi rin biro ang halaga nun kaya talagang nagipit kami. Wala naman kaming ibang inaasahan kundi ang maliit na sweldo ni Jerick sa part time job niya.

"Wag mo nga akong pinaglololoko, Kayceelyn! Sobrang tahimik niyong dalawa. Ni hindi nga kayo nagtitinginan man lang!" Nakapamewang pa si Andeng kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

"Andeng, baka naman busy lang sila pareho" mahinhing sabat naman ni Athena. Nandito kami ngayon sa kusina habang yung mga lalaki ay nasa sala at nakikipaglaro kay Kendrix. May kanya-kanya kasing dalang regalo ang mga galanteng ninong. Nagyayabangan pa sila kung sino ang may pinakamalaking regalo. Mukhang sobrang spoiled ng anak ko sa kanila. Sabagay, si Kendrix ang unang baby ng barkada.

"Sus. Wag nga ako. Bakit, may babae ba?" Napayuko na lang ulit ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko kay Andeng.

Kagabi kasi, nakita ko si Jerick na umoorder ng bulaklak online tapos ay narinig ko pa ang pangalan ni Samara. May sinabi siyang address at doon niya pinadadala. Nakakainis. Wala siyang panghanda para sa birthday ng anak niya pero may pambili siya ng bulaklak para sa ibang babae.

"Andeng naman. Hindi naman siguro magagawa ni Jerick yun. Alam kong mahal na mahal niya si Kay .. saka si Kendrix din" kontra sa kanya ni Athena sabay pisil sa kamay ko. Tipid na nginitian ko naman siya dahil hindi ko alam ang isasagot ko kay Andrea.

Simula kasi nung araw na naabutan ni Jerick na muntik nang mahulog sa kama si Kendrix ay hindi na muli niya akong inimikan. Hindi ko alam kung dahil ba hindi lang kami magkatagpo ng free time or dahil may nagbago talaga sa amin. And that was one week ago. Ganun na katagal na malamig ang pakikitungo namin sa isa't-isa.

Natahimik na lang din si Andrea. Napabuntong hininga na lang ako at saka lumabas sa sala. Sakto namang papasok din si Jerick kaya nagkasalubong kami. Saglit na nagtama ang mga mata namin pero ako din ang naunang mag-iwas ng tingin. Nilampasan ko siya at saka pinuntahan si Kendrix na kasalukuyang umiiyak habang karga-karga ni Miguel.

Nung okay na ang lahat at magsstart na din kami ay binihisan ko na ng damit si Kendrix sa kwarto. Naibili ko pa siya ng bagong damit mula doon sa tirang pera na nakuha ko nung dumating ang financial assistance ko mula kay Vice Governor.

Natigilan ako nang may yumakap sa akin mula sa likod at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. "I'm sorry, Love. I missed you"

Hindi ko na namalayang nakapasok na pala siya sa kwarto dahil nakafocus ako kay Kendrix.

Napangiti ako at saka hinaplos ang buhok niya. "Sorry din" hinarap ko at saka niyakap sa bewang. "Namiss din kita" naiiyak na sabi ko sa kanya sabay siksik ng mukha ko sa dibdib niya. Hinalikan naman niya ako sa tuktok ng ulo ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Da-da! Ma-ma!" Sabay kaming napatingin kay Kendrix nang magsalita ito. Malapad ang ngiti ng bata habang pumapalakpak pa. Nakaupo ito sa kama at habang paulit-ulit na pumapalakpak at binabanggit ang Mama at Dada.

More Than BeforeWhere stories live. Discover now