Chapter 1: Langit, Lupa

4.9K 210 184
                                    

Gaano ako kabangag? Kasing bangag na nailagay ko 'yung powder ng Milo sa pancit canton ko ngayong breakfast kaya kailangan ko ulitin at ang nailagay ko ang feminine wash sa ulo ko instead of shampoo. Gusto ko lang naman ng isang stress-free first day of class, pero 'yan, 'yaaaaan! Pero kasalanan ko rin naman. Naglaro ako ng Mobile Legends, isang laro sa cell phone, para magpa-impress sa all-time crush kong si Harper na ayaw pang aminin na crush din ako—pero wala namang masama mangarap.

Class as in not the typical class. Meron kasi sa school namin na special summer program—advanced class kuno—para sa mga magte-take ng STEM strand sa senior high school this school year. Open to all schools, pero siyempre may fee. May iba na tuloy ang bakasyon, pero may mga tulad ko na gustong magpabibo sa senior high para higher chances of getting in sa dream university ko. Marami kami, actually.

Pero may isa pa akong rason. Sinabi nga kasi ni Harper na nag-enrol siya sa program na 'to. So ako naman si pilit-kina-Mama-at-Papa. All for secret crush!

Never akong nakadalaw sa school after clearance, pero nalaman kong parehas kaming room—meaning, magkaklase kami! Imagine, crush ko talaga ang nagsabi sa 'kin!

Habang papunta sa school, napanood na ako sa ini-screen record ko kagabi. Hindi ko makakalimutan kung paanong kilig na kilig ang kilikili ko habang naglalaro kami. Chat pa niya gamit 'yung username niyang napakapormal na "HarperL." Kahit puro shortcut ang pag-type niya, okay lang dahil laro lang naman . . . pero minsan, in denial din ang very patient spelling-conscious brain ko.


HarperL: uy pwde na kta tawaging clasmaet!

Yam3t3_tv: sana ol yiii


Sasagutin ko nga sana ng puwede namang deretsong girlfriend na tawag mo sa 'kin pero namatay ako kasi inuna niya landi. Iba tuloy ang na-chat ko.


chelonotsyelo: mapa bruh

HarperL: sorry na boss labyu


Napangiti ako habang nagbabasa. Labyu? Enebe.


Yam3t3_tv: ay magjowa pala

chelonotsyelo: di kami magjowa

chelonotsyelo: oy mm!!! sa likod ka ng tank!!!


Kunwari tsundere kahit in real life e kilig na kilig puwet ko. Buti na lang, nanalo kami. Nang nanta-trashtalk na lang ang mga kasama namin kasi malapit na kami nanalo, doon ko na lang nasabi ang mga 'to:


chelonotsyelo: so takits sa 3? UwU

HarperL: salamat sa buhat boss

chelonotsyelo: luh ikaw nga nagbuhat e. assassin gods

HarperL: di ko naman magagawa yon kung wala kang sanib haha


Doon natapos ang video, tapos ni-replay ko ulit kasi kinikilig talaga ako.

Siyempre tuwang-tuwa ang kaluluwa ko dahil after so many years, naging magkaklase ulit kami kahit ba special class lang 'to kuno. Grade 7 kasi 'yong huli tapos . . . enebe nemen kese. Hindi naman ako hipokrita at talagang aaminin ko sa sanlibutan na kilig na kilig ako kapag tinutukso kaming dalawa. Oh. My. Gosh. Those were the glorious times. Pero siyempre dahil nagmamagandang tsundere ako, puro "enebe weg nge keyeng genyen" lang pinagsasasabi ko.

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon