Chapter 13: Tumbang Preso

784 85 173
                                    

Ano bang lagi kong sinasabi? Kapag maghahanap ng gulo, dapat weekend.

Pero heto, malapit na yata akong maging zombie kakakagat ko sa daliri ko. Thursday nga pala pagkatapos ng Wednesday. Akala ko kasi, Sabado na agad. Anak naman kasi ng pating 'tong si Val. Makapag-set ng "double date" na parang naging merienda spree lang, Wednesday pa talaga.

"Cheeel!"

Nagulat ako nang biglang tawag sa 'kin ni Ry. "Aga mo ngayon," sabi ko bago ako nagbuntonghininga.

"O, ang aga-aga, pagod ka." Tapos nanlaki ang mata niya. "'Wag mong sabihin—"

"'Wag mo na ituloy 'yang kabastusang lalabas sa bibig mo."

"Luh, malisyosa ka! Sasabihin ko nga kung nag-away kayo ni Ardi."

"Sana nga si Ardi na lang inaway ko."

Lalo tuloy nagulat si Ry, Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang mga balikat ko. "Si pentel pusit na naman ba ito?"

At nang huminga lang ako, dinala niya ako sa may classroom nila. Alam ko namang makakatanggap ako ng sermon dito, pero go lang. Kailangan ko rin naman ng kausap. Alam kong unfair din para sa mga kaibigan ko na tinago ko 'yung tungkol sa "laro" namin ni Ardi, kaya ang least na puwede kong gawin ay maging open sa kanila sa mga bagay na kaya kong i-open talaga.

"Ano na namang ginawa niya?" tanong sa 'kin ni Ry. Kapapatong lang niya ng bag niya sa upuan niya, samantalang ako, nakaupo, dala-dala pa rin ang bag ko. "'Yung totoo, Chel, moved on ka na ba ro'n bago ka natsugi ni Ardi?"

"Ha? Anong natsugi?"

"Napatay 'yung feelings mo kay Harper! Ano pa ba ang mamamatay kundi iyon lang!"

"Matagal ko na sinasabing wala nga."

"Alam mo, kahit hindi mo naman sabihin, ramdam naman namin. Kaya nga nagulat kami na kayo na ni Ardi."

Hirap talaga na may tinatago sa mga kaibigan ko, lalo na kung basang-basa nila ako.

Pinakita ko kay Ry 'yung chat conversation namin ni Harper. At dahil ignored siya kagabi pa, hindi ko nakitang may message pa pala siya.


Harper Laydel

sorry

nadala lang.

ano

di mo na ako kakausapin?

hay

sige

good night


"Hindi naman masi-seen, di ba?" tanong ko. "Magbu-blue lang—"

"Itong pusit na 'to! Imbyerna—naku ha! Feelingero?! Tsinelasin ko siya, e!"

"O, chill."

"No chill! Ugh! Gusto ba niya maging calamares?!"

Natawa ako. Ewan ko ba. Ang sweet lang kapag 'yung mga kaibigan ko mismo 'yung mga nagagalit para sa 'kin. May comfort within na . . . alam kong nandiyan sila kapag nadedehado ako.

"Babae, payag kang ginagan'to-gan'to?! Don't at me—oh my gosh! Kumukulo dugo ko!" May pumasok na ibang students sa room kaya bumalik siya sa pagbulong. "Siz! Anong ignore-ignore?! Block mo na!"

"E, okay na 'yang ignore. Gusto ko 'yung may babalikan ako sa katangahan ko."

"At ano'ng ganap?" tanong ni Cy na kapapasok lang. Ito namang si Ry, inagaw ang phone ko at pinatingin agad ang message ni Harper. Sa paglaki ng mata niya at pagmamadali niyang umupo katabi namin, alam kong nanggalaiti rin siya sa message. "Ano'ng ka-epalan niya 'to?"

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon