Chapter 9: Sipa

771 91 62
                                    

Napatulala ako dahil sa sinabi niya. May parte sa sarili ko na gusto siyang kausapin, siyempre—hindi as a crush, pero as a friend. Pero sa totoo lang, mapaghihiwalay ko pa ba talaga 'yon?

May parte naman sa 'kin na gusto ko na lang ng peace of mind. Parang natanggap ko na lang na tapos na ang friendship namin kasi totoo 'yung sinabi ni Ardi. Oo, naiinis ako sa mga taong parang pinagbabawalan 'yung ka-relationship nila na makipag-usap sa opposite sex, pero ano bang alam ko sa mga pinagdaanan nila? Paano kung talagang may trust issues sila sa buhay?

So bilang isang mabuti at maganda at understanding na single female teenager, kailangan ko na lang mag-adjust. Mahirap naman talaga kung ako 'yung friend tapos ang cute ko pa at nabubuhat ko sa laro si Harper, di ba? Naiintindihan ko talaga si Val, actually. Half-char.

Pero kung ako rin naman ang nasa puwesto ni Val tapos kunwari boyfriend ko si Harper at feel na feel kong may gusto si Val sa kanya, maski ako, parang ayoko rin. Ako na lang ang magbibigay kasi ako naman ang nakakaintindi ng sitwasyon. Again, ayokong manadya. Katahimikan over anything else.

"Demanding 'yan?" biro ko para maging light ang usapan. "Puwede namang 'Hi, Boss Chel. Usap tayo pwease.'"

Napangiti si Harper, napa-sigh of relief kumbaga. "Hi, Boss Chel. Usap tayo pwease."

'Wag kang masyadong masunurin. Nagmu-move on pa ako sa 'yo. "'Yan. Masunurin. How dare you magsungit sa boss mo?"

"Sorry na. E . . . kasi . . ."

Tapos inakbayan niya ako. Napahinga ako nang malalim para kumalma 'yung puso ko. Kung alam ko lang na aakbayan niya ako, e di, sana nag-baby cologne muna ako.

Pero siyempre nakikipagdigmaan na naman ako sa sarili ko internally. Tigilan mo 'yang kaharutan mo kasi may girlfriend 'yung tao. Kung hindi kaya mag-stay friends, stay away, paalala ko sa sarili ko.

"Okay, umupo tayo kasi mahirap mag-usap dito tapos nakatingin si manong."

Lumingon si Harper, at nang nakita niyang nakatingin 'yung security guard ng school sa amin, tumango siya at nag-suggest, "Sa classroom na lang?"

"'Wag," pagtanggi ko. "Mamaya biglang may pumasok tapos pag-isipan tayo nang masama. Sa mga bench na lang."

"E di, mas kita."

"Ang point, mag-uusap tayo sa kita na lugar para di tayo paghihinalaan. Puwede nating i-defend ang sarili natin na kung may ginagawa tayong masama, bakit sa kitang lugar natin gagawin?"

Nag-agree naman si Harper, pero may side comment pa rin siya, "Parang hindi ikaw."

"Huh, ano'ng parang hindi ako?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na plant box para umupo.

"Siguro ang sasabihin mo, 'E, ano na naman ngayon? Pabayaan mo silang isipin kung anong gusto nilang isipin.' Gano'n siguro."

"Masama ba kung gusto ko lang ng peace of mind for myself? Siguro nga . . . tingin ko mas gusto ko 'yung walang-paki attitude. Pero ayoko nang magkunwari. Gusto kong mawalan ng paki, pero hindi pala talaga ako 'yon. Do'n ako sa path kung sa'n mas makikita ko ang peace of mind ko."

"Kaya ba okay na lang sa 'yo bigla na di ko pansinin?" tanong niya pagkaupo na pagkaupo namin. "Kasi do'n ka may peace of mind?"

"Yes," sagot ko. "Nasa point na ako na tanggap ko na lang na basta mo na lang ako sinipa out of your life. Ako na lang ang mag-adjust . . . kasi ako, hindi lang support kaya ko. Tanke pa."

Mahina kaming natawa pareho, saka ko tinuloy na sabihing, "If friendship over, e di, wala naman akong magagawa, alam mo naman pala na may mali, ba't hinayaan mo?"

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon