Chapter 22: Agawan Base

673 76 245
                                    

"Haliparot kaaaaa!" sigaw ni Val na parang pterodactyl na naipit sa mga sanga ng puno—if may nag-exist man na gano'n.

Sobrang sakit ng paghila niya sa buhok ko na hindi ko napigilan kundi hilahin kung ano mang mahawakan kong parte ng damit niya. Ang na-target lock lang naman ng mga kamay ko e 'yung skirt niya, kaya ayun, nahubaran ko.

May narinig akong nagsigawan. May sigaw pa nga ng Hoy, mata n'yo! Tipong gusto kong tumawa pero sinasabunutan ako, kaya di ko na nagawa.

Buti kamo't naka cycling shorts ang pating. Hindi ko ginustong hubaran siya o ipahiya; sadyang self-defense iyon.

Tumutulong sina Cy, Cleo, Ardi, at Harper na kalmahin si Val para bitawan na niya ang kawawa kong buhok, pero mas lalo yata siyang nagalit. Ano bang gusto niya sa buhok ko?! Siya nga itong every Christmas party e nagpapa-rebond.

Kahit ano'ng sigaw nina Cleo at Cy para bitawan ako, ayaw pa rin ni Val. Nagawa na ngang basahan 'yung skirt niya at kung sa'n-sa'n na namin napagsisisipa, hindi pa rin siya natinag. Dumagdag pa 'tong dalawang alipores ni Val na nakikisabunot din. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ng isa na kinukuha 'yung sapatos ko. For what?! Dahil nahubaran ko ng skirt si Val kaya huhubaran din niya ako ng sapatos?!

Hindi ko na alam kung sinong may hawak ng kung sino. Basta ako, ang tanging hawak ko na lang e 'yung kawawa kong buhok na napagtripan ni Val. Naiyak na ako dahil sa sakit.

"Espino! Ano 'yan?!" sigaw ng teacher namin na sa school talaga nagtuturo at naging mga student na kami. Napatigil si Val sa pagsabunot, kaya napatingin naman ako sa pinto. Nando'n si Ry, mukhang nagsumbong. Ang unang nasa isip ko e sa dami-dami ng nakitsismis, wala ni isa ang tumawag sa teacher? Si Ry pa talaga?

"M-m-ma'am! S-s-si Chel po ang nagsimu—"

"Si Laurel ang nagsimula pero siya 'tong ginawa mong bunot ang buhok? To the guidance office! All of you in this room! And all of you watching! Now!"

"M-m-ma'am!" banggit ng isang kaklase namin na nakinood lang. "Hindi po kami kasama riyan!"

"Hindi kayo kasama pero nanonood lang kayo?" sabi ng teacher namin. Napalingon siya dahil may narinig siyang umaalis na nakitsismis din. "Kayo, ililista ko kayo. Subukan n'yo lang tumakas."

Malay ko na kung ano'ng nangyari sa mga nanood na ginustong umalis pero hindi na nakaalis dahil nga nasabihan ng teacher. Basta ako, tinayo na ako nina Cy.

"Okay ka lang—" sabay na banggit nina Harper at Ardi. Nagtinginan silang dalawa bago tumingin ulit sa 'kin.

Tumango ako kahit napapahimas ako sa buhok ko.

"'Wag kang magpaawa," biglang sabi ni Val nang palagpas na siya 'kin. "Malandi. Di ka nakuntento sa isa?"

"Hindi ako nagpapaawa," sagot ko. "Pinagsasasabi mong 'di makuntento sa isa'? Inamin ko na ngang wala akong boyfriend. Masakit lang talaga paghila mo ng buhok—"

"Espino! Laurel!" sigaw ng teacher. "Kapag hindi ko kayo nakita sa office in ten minutes for an explanation, I have to call your parents."

"Ma'am, sinasabi ko lang kay Val na pulutin niya skirt niya kasi pakalat-kalat." Saka ko binulong na alam kong 'yung mga malapit lang sa 'kin ang makakarinig, "Parang 'yung may-ari po ng skirt. Kalat po."

"Ano?!"

"Espino!" sigaw ulit ng teacher namin. "Ano, mananabunot ka na naman sa harap ko?"

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon