Chapter 28: Patintero

725 72 179
                                    

"Ayoko! Bahala ka diyan!"

Pinatay ko ang phone ko saka nag-isip ng paraan para mailusot 'yung katangahang nangyari.

Nagbasa na lang ako ng libro mula sa mga to-read pile ko hanggang sa humupa ang panic ko. Nakakatawa lang kasi siguro mga limang beses ko inulit ang first page bago ko fully ma-absorb dahil nga puno ang utak ko.

Nang klaro na ang isip ko, saka ako nag-online ulit. Binura ko 'yung picture ni Ardi na pinag-ugatan ng tsismis at nag-status sa Facebook.


Cielo Laurel

Chill your tits. Nagloloko phone ko at nasend ang pic. Pamprank ko lang. Binura ko na. Mga issue kayo. 🙄


Pero alam ko namang marami pa ring magtatanong, lalo na't napagtsismisan na ng lahat na hindi naman pala talaga kami ni Ardi.

At inaasahan ko naman na ang mga kaibigan ko ang mga unang magre-reply. Ayaw talaga ako i-seen sa GC, aba!


Canary Pineda

Volume 1 Issue 2 na kami ng kwento mo. 🤪


Cyriene Castro

Wag kami! 🤪 🤪 🤪


Cleo Fernando

Wala kang maloloko rito. 🙂


Cielo Laurel

Sa GC kayo magsisagot aba


          Cleo Fernando

          Kailangan malaman ng mundo katangahan mo.


          Cyriene Castro

          HAHAH 💀 💀 💀


Siguro wala pang isang minuto nang mag-post ako, nag-missed call ulit si Ardi. Nag-panic na naman ang kaluluwa ko.


👑beybi👑

no call 😤 😤 😤


❤️master❤️

beybi no call? 🥺


"H-hoy!" Nahuli ko ang sarili kong nakangiti. Never nag-baby talk sa 'kin si Ardi, pero bakit biglang narinig ko siyang mag-baby talk kahit sa chat lang tapos bigla akong kinilabutan?


👑beybi👑

luh hagagah bat nagpapacute 😤


❤️master❤️

di naman ako nagpapacute

pero kung nacutean ka sa kin

di ko na kasalanan yon 🥺


👑beybi👑

👑beybi👑

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon