Chapter 23: Tagu-Taguan

662 84 180
                                    

Nakaligo na ako, pero siguro a minute bago ako umalis sa bahay, nag-decide ako na mag-absent na lang. Ilang araw na lang ba ang natitira at wala pa ring in-improve ang grades ko kahit sineseryoso ko naman. Nasa above average, pero wala sa henyo level ni Ardi.

Hindi ko na makukuha 'yung grant.

Napaisip tuloy ako kung mag-STEM ba talaga ako. Lumipat na lang kaya ako ng school? Do'n sa mas focused ang Arts and Design track? Kasi mahilig naman ako sa drama at baka mas maging okay ako sa theater? Charot.

Kaso kapag tinuloy ko 'yon, baka maging magkaklase lang kami ni Val. Mas magaling nga 'yon magdrama sa 'kin. Walang kupas.

E . . . pa'no kung ito rin ang iniisip ni Val?

'De, joke lang. STEM pa rin hanggang lumubog ang mga mata ko kaaaral. Gusto ko maging tulad ni Papa na civil engineer. No pain, no gain. Hay. Ano kayang iniinom na gatas ng mga henyo at bakit di na lang nila 'yon i-share sa mundo?

Nilapag ko 'yung bag ko at natulog na lang ulit. Paidlip na nga sana ako nang biglang kumatok si Mama sa kuwarto.

"O, di ka papasok?"

Siyempre nakaka-guilty sumagot ng tinatamad na ako, Ma kasi sila ang nagbayad ng pang-special program ko. Naalala ko kung pa'no ko pa sila pinilit. Hay, for what? Para matuloy agenda kong maging kaibigan na kalandian ni Harper. Ngayon, nagsisisi na ako. Sana nagpa-rank up na lang ako sa mga games ko.

"Masama pakiramdam ko, Ma," sabi ko. Kinapa pa ni Mama 'yung noo ko.

"Mukhang okay ka naman. Nararamdaman mo bang magkakasakit ka?"

"Nanghihina po ako."

"Ano'ng gusto?" tanong ni Ma. "Noodles?"

"Isa pang utak, Ma. 'Yung may IQ na five hundred."

Natawa si Ma. "Mahal brain surgery."

"May gano'n ba?"

"Aba'y ewan!" Umupo si Ma sa may kama, nararamdaman kong naramdaman niya na may iniisip ako. Kakatakot mga sixth sense ng mga nanay talaga. "May gusto ka bang sabihin sa 'kin?"

"Wala po," sagot ko na lang. "Gusto ko na lang muna matulog, Ma."

"O, sige." Tumayo ni Ma bago ulit nagbilin, "Mag-doorbell na lang ako pagbalik ko."

Sasabihin ko naman sa kanya; hindi lang siguro ngayon. Hay. Kaya naman kasi namin tinago ni Ardi 'yung gimik namin e dahil na rin sa kanila. Bukod sa ayokong umasa sila, ang weird and awkward kasi na ang close naming family. Mukha lang akong tsismosa, pero private akong tao. Ayoko ngang malaman kahit maski ng bourgeoisie girls na crush ko pa rin si Harper dati. Di ko na nga pinaalam 'yung lumabas kaming family sa probinsiya nila.

Nang narinig ko ang pagsara ng gate, saka ako pumikit at natulog.

***

Napadilat ako dahil nakailang tawag si Ardi sa 'kin. Napatingin ako sa orasan at alam kong nagkaklase pa sila dahil hindi pa naman pa-lunchtime. Ayoko sagutin dahil baka biglang nag-CR lang pala siya at gustong mangamusta. Bumaba ako at nag-brunch habang nanonood ng movie.

Nang alam kong lunch na—actually, patapos na ng lunchtime nila—saka ko tiningnan ang phone ko. May messages na sa group chat ng bourgeoise girls.


Queen Cleopatra

Absent nga ang gaga

Oy explain explain

Bubudburan ka talaga namin ng asin

Umasa na ako

Gusto ko pa naman si Ardi

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon