Chapter 27: Patay-Patayan

733 70 224
                                    

Ordinaryo lang ang paghatid sa 'kin ni Harper. Para kaming magkaibigang matagal na hindi nakapag-usap. Nagkuwento lang siya ng mga "enough is enough" moments niya kay Val, tulad nga no'ng pinagselos nga ni Val si Harper sa kapitbahay niya, pati 'yung nagtampo si Val kasi gusto pala niya e maging protective si Harper sa kanya—sa damit, sa kasama, etcetera—at naiinis si Val kapag walang comment si Harper sa mga ginagawa o gagawin niya.

In his words, "Sinubukan ko naman, pero di pala ako gano'n. Siguro may mga oras . . . pero kapag sinasadya? Alam ko naman kung kailan niya sinasadya para lang may reaction ako. Ano bang nabibigay sa kanya ng pagseselos ko o pagko-comment ko? Ano ba term do'n?"

"Satisfaction?" suggest ko sa hinahanap niyang term. "Baka parang satisfied siya o assured siya na, ano, ayaw mo siyang mawala o parang may 'she's mine' epek."

"Oo! Gano'n."

"Ba't di mo sinabi?"

"Ilang beses ko naman na sinabi," sagot niya. "Pero alam mo 'yon? Laging di ko raw siya maiintindihan. Magso-sorry ako . . . mali pa rin. Tinatanong ko kung ano ba dapat ko gawin, di niya sasagutin. Mahirap mangapa. Di ko na nga rin alam pa'no kami nagkakaayos."

"Huh? Pa'no, magic?"

"A, ayun, di kami mag-uusap ng ilang oras, tapos magse-send ako ng 'I love you' tapos magse-send na siya ng 'I miss you' tapos 'yung pesteng pa-cute na puppy eyes emoji. Tapos wala na, milk tea at siomai na ang katapat."

Natawa ko. "Marupok ka pala, e!" tukso ko sa kanya. "Pero in fair, di ko kaya nabalitaan na kayo."

"Di naman namin binabalita."

"Weh! 'Di binabalita' tapos nagme-mention-an ng 'mahal' sa Facebook."

"Dapat talaga kami lang," depensa niya. "Gusto ko nga i-status sa Facebook pero ayaw niya. Sa kalagitnaan na lang daw ng klase."

"Huh? Para sa'n?"

"Ewan."

"Baka para makita niya kung sino lalapit sa 'yo para ma-target niya . . . katulad ng nangyari sa 'kin na di ko naman talaga maiiwasan kasi, haller, we're friends."

Ngumiti si Harper at may binulong. Di ko na pinasabi kung ano man 'yon. Wala naman na akong paki.

"E, ba't lumala?" pagpapatuloy ko sa usapan. Iisa lang naman topic namin—si Val—pero hindi ko napansin na malapit na kami sa bahay. Tama lang pala na naglakad kami. Plano ko pa ngang mag-tricycle.

"'Yung kay Ardi nga," sabi niya.

Gusto kong sabihin na Bakit, nainggit ba siya sa kung ano'ng meron kami? Magkakaganyan ba siya kung alam niyang laro-laro lang namin ni Ardi 'yon? Pero di ko na sinabi kasi ayoko mag-assume. Hindi ko gusto si Val, at hindi ko rin gusto kung pa'no niya trinato si Harper—at sinasabi ko 'to bilang kaibigan ni Harper kasi totoo namang ang toxic niya—pero di ko pa rin makakalimutan 'yung mga nakaraan na naging butas din ng puwet si Harper.

So ang sinabi ko na lang, "Pa'nong kay Ardi?"

"Biglang lagi na nga lang niya binabanggit. Pero alam mo 'yon? No'ng una kasi . . . naiinis ako kasi nga lagi niyang binabanggit, tapos gumagawa ng paraan para laging makasama sa inyo. May mga oras na gusto ko kami lang dalawa, pero biglang marami ng kasama . . . at nando'n si Ardi. Laging kinukumpara ako sa kanya. Kahit sa paglalaro sa ML!"

Dili na lang ako mag-talk kasi totoo, isip-isip ko.

Nagbuntonghininga si Harper. Ramdam ko 'yung frustration niya. Kahit naman ako, kung gano'n ugali ng ka-relationship ko, mapapagod din ako. "Hanggang sa ayun."

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon