Chapter 25: Araw-Lilim

635 76 280
                                    

Sakto lang ang dating ko no'ng susunod na araw. Unang hinanap ng mga mata ko e si Ardi, at napaisip kung bakit hindi siya nag-chat kahapon. Ang balak ko sana, kakausapin siya bago mag-umpisa ang class, pero hindi ko na 'yon nagawa kasi kasabay niyang pumasok 'yung teacher namin.

May recess naman, isip-isip ko.

Pero pagdating ng recess, hindi ko na rin siya nakausap. Pa'no, may exercise kasi kami. Tapos makakapag-recess lang kapag na-perfect o kapag time na talaga ng klase. Ayun, isang pa-check lang ni Ardi, nakalabas na siya kaagad ng classroom. Samantalang ako, sumagad na hanggang oras ng klase, hindi na ako nakapagpa-check. May isa kasing item na hindi ko alam kung pa'no i-solve.

At dahil nakita kong nasa loob naman sina Forster at Stanley, lumabas kaagad ako at pumuntang canteen, nagbabaka-sakaling nando'n siya. Ang nakakainis, wala siya ro'n. Sa'n naman kaya 'yon nagpunt—

"Chel!"

Paglingon ko, nasa likuran ko na si Harper, hinihingal.

"O, an'yare sa 'yo?" tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag. Takbo ka lang nang takbo."

"Bakit, may kailangan ka ba?"

"Wala naman," sagot niya matapos huminga nang malalim. "Yayayain lang sa kitang mag-recess sa canteen. Patakbo ka naman na pala rito."

"May recess ako actually sa bag."

"E di, samahan na kita kung ano'ng gusto mong bilhin. Bili na rin ako."

Ang dating pala sa kanya, kaya ako nandito e para may bilhin na something additional bukod sa baon ko. Bakit nga ba ako pupunta sa canteen tapos wala naman pala akong bibilhin? Alangan namang sabihin ko, Hinahanap ko si Ardi, actually. Straightforward 'yon. Bakit di ko masabi bigla?

Bumalik naman na kami sa classroom pagkatapos bumili. Nakita ko nga 'yung mga kaibigan ni Val bigla at nakita silang nagbulungan bago pumasok sa classroom nila.

"Actually no'ng isang araw ko pa 'to naiisip," umpisa ko nang gano'n nga ang nangyari. "Pero sa totoo lang . . . hindi pa ako komportable kasama ka. Kaka-break n'yo lang ni Val."

Ngumiti si Harper at hinawakan ako sa tuktok ng ulo habang naglalakad kami. "Sorry. Nadala ako sa mga sinabi mo kasi no'ng isang araw."

"Na crush kita?"

Pinakita pa niya dimples niya. Pakyut lang? "Gano'n na nga."

"Wala na lang din ako nasabi do'n sa ginawa mo kahapon. Puwede naman kasing sorry na lang na personal."

"Di lang enough."

"Oks na 'yon," sabi ko. "Sobrang oks na . . . na nakalabas ka na sa anino ni Val." Pagkatapos kong natawa at naisip na baka na-offend siya, winagayway ko 'yung kamay ko sa ere. "No offense. Iyon lang talaga naramdaman ko simula no'ng naging kayo."

"Gets ko."

"Pero . . . iyon nga. I appreciate 'yung ginawa mo kahapon pero—"

"Tulad ng nasabi ko," sabi niya at di man lang ako pinatapos, "alam ko naman na di pa magandang timing, Chel. Dahan-dahanin natin, okay?"

"T-teka . . ." pagtigil ko sa kanya bago pa magkalabuan ang lahat. "By dahan-dahanin . . . ang ibig mong sabihin e 'yung friendship, ano? Walang anything?"

Natawa si Harper. As if nanunukso, sabi pa niya, "Bakit, gusto mo ba, more than friendship ngayon na?"

Sakto namang kararating lang namin sa tapat ng classroom.

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon