Chapter 17: Dampa

675 77 116
                                    

Wala ni isa sa amin ni Ardi ang nagbanggit ng tungkol sa pag-beach namin. Di ko rin alam kung bakit may pagkakataon naman na akong ipagmalaki na nag-beach ako, pero parang ang weird lang sa 'kin. Mas pinipili ko na ang tahimik na buhay.

Except siyempre sa bourgeois girls. Di puwedeng wala silang update. Nag-send kasi ako sa kanila ng picture namin ni Ardi, kaya pagpasok na pagpasok no'ng Monday—wherein nagulat ako na nando'n na sila at parang sila mismo ang nagbukas ng school—pinipilit na nila akong gawin silang bridesmaids. Si Cleo na raw ang maid of honor dahil siya ang nauna sa kanilang tatlo. Mga ewan talaga 'tong mga 'to. At talagang ang paraan nila para mamili kung sinong maid of honor e takbuhan? Sa isip-isip ko, Wala ngang bride at groom na makatotohanan. Sayang mga pawis ninyo, mga 'te.

Anyway, dumaloy lang ang linggong 'yon nang sobrang bilis. Tingin ko, mas naging parehong peaceful at magulo ang buhay ko—peaceful dahil uwi agad pagkatapos ng special program kaya less drama at binuhos ko ang oras ko para maglaro at mag-aral . . . at magulo kasi todo review ako bigla at nagpa-panic ako.

Paano, may kumakalat na balita na ang goal pala ng special program ay para makapili ng students na makakatanggap ng scholarship grant mula sa local government at hindi lang para may advantage kami kuno next year para sa unang set ng STEM subjects. Pumunta kasi 'yung governor sa school at pinakilala isa-isa 'yung classes. E, last year lang naman 'to nagsimula, kaya malay ba naming may gano'n? Narinig lang ng isang taga-batch namin mula sa nag-uusap na dalawang students na sumali sa special program galing sa ibang school.

At talagang malalaman namin 'yon, halfway na ng program? Talagang magpa-panic kaming lahat! Ten thousand pesos na stipend every month? Tapos libreng tuition sa school na mapipili namin next year basta STEM strand? Ano baaaaa . . . bakit ngayon lang namin 'yon nalaman? Humiling ako na sana hindi totoo kasi nakaka-depress kung oo at alam kong ang mediocre ng performance ko. Nang tinanong ko 'yon kay Ardi, ang sabi, "Hindi ninyo alam?"

Siyempre ang sagot ko, "Bakit walang nagsabi sa getting to know keme?!"

At siyempre, as usual, mas may sense pa si Ardi kaysa sa akin: "Kumbaga sa pag-apply sa trabaho, di mo sasabihin na kaya ka nag-apply sa trabahong 'yon kasi narinig mo na malaki ang sahod. Papa-impress ka by saying na gusto mo lumawak skills mo at maganda 'yung kumpanya."

Rebut ko naman, "E, ikaw nga, naalala kong di mo pa alam future mo. Iyon sabi mo."

"With honors ako sa sa school namin. Ni-recommend ako ng mismong teachers. Hindi ko talaga ginusto."

"At sina Stan?" Kaya ko tinanong kasi sobrang iba sila kay Ardi. Si Ardi kasi, kahit hindi mag-aral, dalawa o isa lang ang mali sa exam. 'Yung dalawa . . . dili na lang ako mag-talk.

"Mga ayaw sa bahay. At allowance daw."

"Ba't di mo sinabing may gano'n?!"

"Malay ko ba. Kayo nga 'yung tagarito sa school ninyo mismo. Akala ko naman, alam mo."

Ang pag-uusap naming 'yon ay nagtapos sa isang malakas na Ugh!

Nagkaroon tuloy ng commotion sa aming magkaka-batch, kahit 'yung mga di um-attend ng special program. Kesyo kung alam lang nila gano'n, sana sumali sila; kesyo dapat sineryoso ng iba. 'Yung iba, siyempre, quit na agad ang pag-iisip, saying na wala naman silang pag-asa from the start at allowance lang ang habol nila. Basta, daming sabi-sabi. Dapat daw, as ganti, wala rin magsasabi sa next batch. Baka ito rin pala ang rason kaya walang may alam sa 'min. Haha. Who knows? Hay.

Maski rin ako. Kung alam ko lang, e di, sana nag-grade conscious mode ako. Tama lang na nagre-review ako kahit special program "lang" ito, pero aaminin ko namang may mga pinetiks akong exercises kasi nga special program "lang" ito. Ang frustrating.

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon