Chapter 18: Iring-Iring

734 87 410
                                    

Gusto ko na lang gumapang pauwi pagkakita ko ng grades ko do'n sa calculus mock exam. Nag-review naman ako nang mabuti at nag-practice din ako, pero wala talaga. Sixty percent pa rin ako sa exam. Samantalang si Ardi, nakayuko lang bago mag-exam, pero siya ang second to the highest.

Nagbuntonghininga ako. No'ng nag-introduce siya na mahilig siya sa math, di ko naman in-expect na gano'n siya kagaling. 'Yan, kasi . . . napapala ng judger! Bakit ba hindi ako nabiyayaan ng gano'ng talino? Ang mas nakakainis pa, literal na di talaga siya nag-aaral sa mga exam.

"Ano bang dinede mo no'ng bata?" tanong ko sa kanya nang binalikan 'yung grade ko no'ng lunch. "Promil kid ka ba? Pakiramdam ko tuloy, pinagkape kaagad ako kaya gan'to ako."

"Breastfed ako hanggang one year old."

"Wow, niliteral mo talaga joke ko."

"Sinagot ko lang naman." Tapos tinago na niya 'yung exam niya sa bag.

"Ganito ka ba katalino no'ng Grade 3? Ba't di ko napansin?!"

"Baka di mo lang masyadong iniisip ang grades noon, pero lagi akong nasa top tapos hahalikan moa ko sa cheeks."

"Imbento!" Kunwari na lang hindi ko naalala, pero pagkasabi niya n'on, may nahalukay ako bigla na memory. Sa sobrang tuwa kong naunahan niya 'yung dating top 1 sa 'min no'ng Grade 3—o baka Grade 2 'yon—napahalik nga yata ako sa cheeks niya. "Ano'ng feeling ng gifted? Pa-share naman ng utak mo sa 'kin."

Kumunot ang noo niya, hindi sang-ayon nang sinabi kong gifted siya. "Nakikinig lang ako. Iniintindi. Lahat ng gets ko sa isang practice, okay na. Lahat ng di ko maintindihan, nagtatanong-tanong ako o kaya maghahanap ng magkaparehas na item. Ang exam naman e para ma-test kung ano'ng naiintindihan mo."

"E, hindi naman lahat gano'n. May ibang need ng memorization."

"Sa math lang naman ako magaling."

"Weh! Pati rin sa research! Ikaw highest do'n sa essay! At kahit wala tayong English, ramdam na ramdam ko. Hustisya!"

"Kasi essay. Problem-solving. Critical thinking. Analysis. Pero kung itatanong mo sa 'kin lahat ng girlfriend ni Rizal, di ko masasabi 'yon. Litong-lito ako sa kung ano'ng meron sa December 31."

"Huh? Ano nga ba?"

"Kita mo? Bigla kong naalala. December 30 pala—'yung kay Rizal. Media Noche 'yung sinasabi ko."

Nabigla ako at natawa. "How dare you na malito sa pagkamatay ni Rizal sa Media Noche?! Ardi, nakakaloka! At least iyon man lang, maalala mo."

"Sorry na."

"May weakness ka pala."

"Bukod sa 'yo? Oo naman."

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko. "Wala na. Wala na talaga akong pag-asa. Kung may ten percent lang ako ng proseso mo sa pag-iisip, baka may chance pa."

"Bro!" Nagulat kaming dalawa dahil gumagapang sa sahig si Stanley. Ang random! "Brooo . . . gusto ko ng Fudgee bar."

"Bumili ka," sagot naman ni Ardi.

"Tinatamad ako. Chel, pupunta kang canteen, di ba?"

"Wow. Nadamay talaga ako," sagot ko. "At pa'no mo nalamang pupunta ako sa canteen?"

"Lagi ka namang pumupunta ro'n."

"Fudgee bar lang ba?" Tumungo siya, nag-puppy eyes pa. Kumunot 'yung buong mukha ko dahil sa itsura niya. "'Wag ka magpa-cute, please. Hindi bagay."

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon