Chapter 2: Luksong Tinik

1.3K 125 381
                                    

May dalawang buwan lang ako para mailabas ang subtle landi powers ko. Tamang buildup lang sa kuwento namin ni Harper bago maging best-selling romance book tapos magiging blockbuster movie. Friends-to-lovers trope tapos masasabi ko rin ang linyang "Kaibigan mo lang ako!"

"Soon, soon," bulong ko mag-isa sa sarili ko habang nag-aabang ng chat niya. Siyempre, tamang harot lang sa Messenger. Rule ko ang kapag nagkaroon ng floating notification tapos si Harper, mga three minutes ako bago magre-reply.


alipin ni boss 👾

boss arats? isang rank game lang


Napangiti agad ako. Tiningnan ko ang oras tapos nag-set ng three minutes sa utak ko. After, saka ako nag-reply.


bosxhz ❤️

arats gggggggggg


O, di ba, sinong hindi aasa sa ganyang galawan? One year na ganyan ang pangalan namin sa Messenger. Tinawag niya lang naman akong ganyan kasi lagi akong MVP. E, paano, lahat ng dapat na patay niya, ako nakakapatay.

Ang nakakakilig, siya ang nagpalit ng nicknames, hindi ako.


bosxhz ❤️

magonline na me? ol ka na?


Pero hindi siya nag-reply. Nag-login ako at nagbaka-sakaling online siya. Ayun, online nga . . . pero playing na.

"A, wow, hindi talaga nakapaghintay?" inis na tanong ko sa sarili ko kahit alam kong ako mismo ang pabebe. E di, naglaro din ako mag-isa. At dahil may mission na kailangang i-share ang game para may extra points, ginawa ko naman. Nga lang, after ko gawin 'yon, hindi na online si Harper.

At hindi na rin niya na-seen ang message ko.

Papatayin ko na sana ang cell phone ko dahil sa bad trip nang saktong may friend request.


Ardian Lavarias

1 mutual friend

Confirm          Delete


Pinindot ko ang Confirm at dumiretso sa Messenger para i-chat siya. Kaka-send lang niya ng friend request, e. So baka online. Wala lang . . . ang saya lang na makakausap ko ulit ang childhood friend ko.


Cielo Laurel

stinalk mo ko 🥺 🥺 🥺

omg wag mo sabihing di ka pa moved on

omg wag mo sabihing di ka pa moved on

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon