Chapter 8: Teks

890 96 121
                                    

Dahil sa 'kin?

'Wag niya akong biruin ng gano'n at . . . kinikilig ako.

Ha? Pinagsasabi ko? Erase, erase, erase. Hindi ako dapat kiligin, at lalong hindi dapat ako matuwa. Pero itong parte ko na hindi pa nakaka-move totally sa feelings ko e napatili. Dahil sa mga sinabi niya, hindi tuloy ako nakatulog nang maayos kagabi. Ugh! Kinulit ko si Ardi, pero hindi man lang nag-seen.

Bakit kasi may panggagano'n kung kailan di pa ako fully healed?!

"Wow, maka-'fully heal,' 'te?" sabi ko sa sarili ko habang nasa tricycle. "Nag-break kayo, nag-break kayo ni Harper? Naging kayo? Hay, Chel no chill!"

Tapos napangiti ako kasi naalala ko si Ardi since siya 'yung unang nang-asar na ako raw si boiling water kasi Chel no chill nga.

"Must not be curious, must not be curious," pag-uulit ko sa sarili ko habang pababa ng tricycle. Last day of the week at parang feeling ko ang dami ng nangyari. May ilang weeks pa ba sa special program na 'to? Isang buwan pa at mahigit. At may real classes pa next year! Teka, dahan-dahan lang. Ayoko pang mag-climax ang kuwento namin ni Harper . . . kahit na leaning on tragedy na ang ending.

Sa may hallway, nakita kong makakasalubong ko si Harper. Mag-isa siya at mag-isa rin ako at . . . at ano naman?

Alam mo, dapat wala ka ng pake, isip-isip ko habang naglalakad lagpas kay Harper. Hayaan mo siyang tangayin ng sharknado. Sayang pogi kung asal-bata naman. Ah, teka. Pusit na lang kaya i-code name ko? Kasi pogi plus asal-bata . . . so pogi-ta . . . pugita . . . pusit. Magsama sila sa dagat ng mga pabuhat—

"Huy!"

Napatalon ako nang bigla akong ginulat ni Cleo. Nasa likod ko na pala siya. "Nakita ko 'yon!"

"Ang alin?"

Lumapit siya sa 'kin para may bumulong, "Si pentel pen."

"Pusit na lang," sabi ko.

"Bakit? Masarap pero maitim ang juice?"

"Ha? Pinagsasasabi mo? Arulurulurulu!" sabi ko na parang nagtatawag ng alien. "Istaaaaap!"

"Hala, anong iniisip mo? Chel, ano ka ba! I mean, maitim ang budhi, gano'n! Yikes! Kinikilabutan ako sa 'yo!"

"Wow, sino kayang unang nagsabi n'on? Puwede naman kasing budhi agad. Bakit juice talaga ang term?"

"Ikaw lang 'tong double meaning!"

"Anong pinag-uusapan n'yo?" Biglang sulpot ni Cy out of nowhere. Pareho kaming nagulat ni Cleo kaya magkukunwaring papaluin sana namin pareho si Cy.

"Ito kasing si Chel—"

"Never mind," sabat ko. "Baguhin na natin code name for H." Tumingin ako sa likod para lang sure na hindi namin kasunod si Harper. "Pusit. Okay? Para pareho silang sea creatures."

"Sa'n galing 'yung pusit?"

Ayokong aminin na dahil sa "pogi pero asal-bata" kaya ang sabi ko na lang "Mukha lang siyang pusit."

"Wow, nagka-boyfriend ka lang, mukha na siyang pusit?" tukso sa 'kin ni Cleo na inirapan ko lang nang pa-joke.

"Anyway, may balita ako."

Tumingin kami ni Cleo kay Cy. May balita na naman.

"Magka-LQ pa rin si pent—pusit at great white. Di pa rin nagbabati ever since may walkout na pagganap si pente—pusit. Pero magkasama sila. Lagi nga lang nag-aaway."

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon