Chapter 14: Saranggola

734 86 184
                                    

Gusto ko na mag-weekend. Bakit kapag hinihintay mo ang linggo na matapos, lalong humahaba? Tapos kapag ayaw mo naman matapos, mabilis lang. Parang ewan.

Nasa utak ko pa rin 'yung sulat, nakatago lang sa bag ko kasi pinag-iisipan ko kung dapat ko ba 'tong sabihin kay Ardi. Ayaw kong isipin dahil . . . what the hell? Ano 'yon? Feeling ko, pinaglalaruan na lang ako ni Harper. Magiging super close friends kami, tapos jojowain niya 'yung alam niyang taong kinaiinisan ko, tapos magagalit, tapos biglang may ganito?

Labo niya.

Kailangan ko kalmahin ang sarili ko kasi ayokong magpatali sa isa na namang laro. Okay na 'tong isa—na ako rin naman ang mismong nag-umpisa. Pagkatapos nito, alaws na. GG na, kumbaga.

"Oy, wala ka yata sa sarili mo," sabi ni Ardi. Hindi ko rin alam kung pa'no lumipas ang oras at first break na. Parang nakatunganga lang ako sa board, naging sponge at inabsorb lahat ng information pero nang piniga e lumabas din lahat.

Napatingin ako sa kanya, napapaisip kung sasabihin ko ba 'yung tungkol sa sulat kahapon.

Bakit hindi?

"Kahapon, may nag-iwan ng sulat sa notebook ko."

"Ano'ng nakalagay?"

Kinuha ko 'yung sulat at pinabasa sa kanya. Natawa na lang ako nang bigla niyang kinuha 'yong red ball pen niya at binilugan 'yung salitang "to" at pinalitan ng "with."

"Wow, perfect ka?" tanong ko, natatawa.

"Hindi, pero kung aamin ako sa sulat, sisiguraduhin kong tama grammar ko para hindi turn-off."

Pinalo ko siya sa braso. "Wow, sige nga, sulat ka nga."

"'Wag mo 'ko hamunin. Baka mapa-I love you too ka—"

Pinindot ko 'yung gilid ng tiyan niya kasi nang-aasar na naman. "Asa. Kayong mga lalaki, puro kayo ganyan. Panindigan n'yo."

"Pinaninindigan naman. May ayaw lang maniwala."

"Bahala ka nga diyan. Akin na 'yung sulat."

"Siya ba nagsulat niyan?"

Wala siyang tinutukoy sa siya, pero alam kong si Harper 'yung tinutukoy niya. "Handwriting niya."

"Sabihin mo ayusin naman niya."

"Di ko nga kaya kausapin."

"Bakit? Tanong mo kung siya. Kasi kung siya, una, ang gago niya."

"No bad words, huy!"

"But bad words describe his personality so well."

"'Wag mo Inglesin, please. Sure ka bang STEM talaga gusto mo?"

"May mga kilala sa humanities na magaling sa math."

"Okay, tama na. I can't acad talk today. Only baby talk."

"Baby only baby talk? Okay. Your baby sorry."

"Tumigil ka diyan, ampu—I mean, amp . . . oule?"

"Spell ampoule muna."

"Baka mapamura mo talaga ako."

Napangiti ako at napatingin kay Ardi tapos napaiwas ng tingin. Hindi ko gusto na napapangiti ako dahil sa humor niya. Deep inside, medyo napapalapit na ako—pero ayoko. Alam ko namang hindi ako attracted sa kanya physically; mas gusto ko pa rin si Harper itsura-wise at built-wise. Kaya . . . ewan. Baka itong nararamdaman ko e dahil nga lagi ko siyang nakakasama tapos lagi siyang andiyan para sa 'kin.

Laro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon