PROLOGUE

4.5K 106 25
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hi, readers! This is my first time writing in wattpad so please understand if the story is lame. I am trying hard to improve my writing skills! Also, I would gladly accept criticisms from readers and cowriters.

You can add me on facebook: Venice Wp

                             PROLOGUE

"And the biggest joke was that I fell in love with him-the most beautiful lie of all. His kisses were deceit that tasted like the sweetest venom. His laugh was a lure to my death . You can see he has sympathy for nothing.It's written on his eyes. He can love no one."

Malakas ang buhos ng ulan na tila ba nakiki-ayon sa nararamdaman ko ngayon. Makulimlim na ang ulap at maputik ang daanan, hindi ko na alam kung saan ako patungo. Maraming kotse ang dumadaan,marahil ay pauwi na sa kanilang tahanan.

Tahanan. Ano kaya ang pakiramdam na may mauuwian ka pagkatapos ng nakakapagod na araw?

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo, hindi ko nga alam kung bakit ginagawa ko pa rin ito. Alam ko namang mahahanap at mahahanap niya pa rin ako kahit saan ako pumunta.

Tila nabingi ako sa lahat ng tunog sa paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang aking mga hikbi at mabibigat na paghinga.

Nanghihina na ang aking mga binti,kanina ko pa gustong bumigay. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko at tila gusto ko nalamang mawala na parang bula. Ngunit alam kong hihilahin na naman niya ako pabalik.

It's useless! Running like this is a foolish thing to do. It is completely useless. He'll find me in no time.

Mapait akong tumawa sa iniisip ko.

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng aking paa dito sa puntod ni mama.

Hinaplos ko ang lapida niya, hindi alintana ang malamig na hangin.

"Ma..." The cold breeze lingered in my bare face as I tried my best not to cry.

"Ano na ang gagawin ko, mama?" Hindi ko na mapigilan ang muling pagbuhos ng aking mga luha.

Napaluhod na lang ako nang naramdaman kong humina na ako. Wala pa ring tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Natatakot ako.

Hanggang kailan ba ako makakabangon sa bitag na ito? Hanggang kailan ba ako makakalaya mula sa kaniya?

Tumunog ang cellphone ko, at alam ko na kung sino iyon. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang isang matipunong lalake na ilang metro lang ang layo. Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa sasakyan, hawak ang kaniyang cellphone at tamad na nakatingin sa akin.

Andreus Azrael Allejo. The most cruel man I've ever known. God knows how much I despise him . How much I hate him for making me like this.

"Come home," mahinahon ang pagkakasabi niya ngunit alam kong galit siya.

His dark and emotionless eyes bore into mine. Hindi ko pa rin maiwasang bigyan ng pansin ang mata niya. Nakakahibang. Nakakatakot. Kaya ka niyang paluhurin sa isang tingin lang. Hindi pwedeng hindi mo siya igalang.

Nanatili akong tahimik at bahagyang napakagat sa labi. Binaba ko nalang ang tingin ko sa lapida ni mama. Hindi ko kayang titigan ang mga malalamig niyang mata. Nakakapanghina.

"No," madiing sagot ko.

Hindi niya pa rin binababa ang tawag. Malakas na ang kabog ng dibdib ko. His presence is really petrifying.

"Didn't I tell you? You can run but you can't hide."

I bit my bottom lip, trying to suppress my fear. I won't let you step on me this time, Andreus.

"You're wrong," pagmamatigas ko.

He chuckled. "You're underestimating me, love. Hindi mo pa rin ba ako kilala? Hindi mo pa rin ba alam kung ano ang kaya kong gawin? You know that I tend to do the cruelest things when I'm angry right? Umuwi ka na. You don't want me angry, love."

Breathing hevealy, I responded, "You're such a jerk, Andreus ."

Ngumisi siya. "I've been called worse, Cresia."

I looked at him with my deadly stares ngunit hindi siya natinag.

He chuckled like I was a fool.

"Mauna na ako. May susundo sa'yo mamaya. Stop this drama. Tsk. " Bakas ang inis sa mukha niya.

Pagkatapos ay binaba niya na ang tawag. Pinaandar niya ang sasakyan at pinaharurot ito palayo.

Muling bumuhos ang mga luha sa mata ko. Cresia , stop crying!

Yes, you're right. I can run away but I can't hide.

I chuckled in the midst of pain and anger.

Hindi man ako makakatakas sa iyo ngunit sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na pinabalik mo pa ako. Unti unti kong wawasakin ang puso mo . Sasaksakin kita patalikod , hihilahin kita pababa at sisiguraduhin kong hindi ka na makakabangon pa ulit.

I will be your greatest downfall.

Allejo Series 1 | Forsaken MemoriesWhere stories live. Discover now