CHAPTER TWO

2.7K 66 12
                                    

"Do you think you'll be safe after you get rid of me? Your conscience would haunt you for the rest of your life. "

Hingang malalim ang una kong ginawa pagkagising. Nanginginig ang aking kamay at pinagpawisan rin ako. Tears fell down my cheeks as my shoulders shook of fear and pain.

It's just a nightmare.

Kinalma ko muna ang aking sarili at bumangon.
I took a bath and headed downstairs. Okupado ang isipan ko dahil sa panaginip na iyon. I mentally shook my head. It's just a nightmare.

Namataan ko siya sa hapag-kainan na  kumakain. Piercing brown eyes bore into mine. Ganoon pa rin naman ang mata niya, walang emosyon. I scanned him from toe to head. His muscles looked tight and strained beneath his white shirt.

Inipon ko ang  buong lakas ko at umupo . Walang nag abalang magsalita sa amin. Tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa paligid .

Habang kumakain ako, palagi siyang sumusulyap sa akin. Pinagpatuloy ko lang ang pag nguya kahit naiilang na ako.

Ngumuso ako, naiinis na. Unti unti akong nag angat ng tingin sa kaniya . His features were hard habang kumakain siya. Nag angat rin siya ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. Agad kong binaba ang tingin sa pagkain.

He sighed. "About last night–"

"Let's not talk about it." I continued eating the foods on my plate.

His lips twitched like he's stopping himself from saying something.

He slightly nodded. "The wedding is on Friday. Be ready and don't make any troubles. After that wedding, my company and your dad's company will merge. Tutal wala na ang papa mo, no one will take care of it and you still don't know how to handle a company, " he said like it was nothing.

Tumango lamang ako bilang sagot. I have no other choice.

3 days from now on.

Bigla kong naalala ang paniginip ko. I'm sure I was wearing a wedding dress that day. I know it's just a dream but it feels real. Like it really happened.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay bigla siyang tumayo. I looked at his plate and he's not yet done with his food.

"Andreus, did I already got married? " Hindi ko na mapigilan ang sariling magtanong. I'm really bothered by that dream.

Lumingon siya sa akin at tumaas ang sulok ng labi niya. "Almost." Then, he walked away.

Almost?

                                      * * *

Pumasok ako sa trabaho pagkatapos kumain. I am working as an intern in a company. Andreus insisted that I should work in his company, but I don't want to.  I know he'll already put me to  a high position, and I dislike that. Gusto kong pinaghihirapan ko ang mga nakukuha ko.

Pero may mga bagay na kahit paghirapan ko ay hindi ko makukuha. Katulad lamang ng alaala ko.

Tuwing nakakasalubong ko ang mga ibang empleyado ay ngingitian nila ako. May iba ring nakikipagkwentuhan sa akin tuwing break time. I was grateful for that. At least, I have someone I can talk to. I'm not alone after all.

"Cresia, OMG! " Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiwi ako sa lakas ng boses niya.

"Heather , namiss kita!"

She's my co-worker here and also a friend.  Siya ang madalas kong nakakausap.

"Grabe, porke ikakasal ka na, 'di ka na nagpaparamdam ng ilang araw." Ngumuso siya sa akin.

Allejo Series 1 | Forsaken MemoriesWhere stories live. Discover now