CHAPTER FOUR

2.3K 72 4
                                    

"What theme do you want on our wedding?" he suddenly asked.

Natigilan ako sa pagkain. Nakakagulat dahil ngayon lang siya nagtanong ng kung anong gusto ko.

"Black." I smirked.

"It's not a funeral. It's a Wedding Day. "

  Oo, funeral. Ikaw yung ililibing.

"You just asked what I want! "

"Nevermind. I'll just— "

"White and black?"

"Does it need to have black? " he sounded so irritated.

Eh, bakit ka pa nagtanong kung anong gusto ko? Abnormal!

Tumango tango ako na parang bata.

"Okay."

We remained silent until we finished eating.

"CR lang ako." Tumayo na ako at pumunta sa Cr. Muntik pa akong matapilok dahil hindi ko sanay ang heels na suot ko.

"Do you know who was that man earlier? " I heard a woman's voice.

"Yes. He's very hot. I want to ask his phone number. Maybe I'll ask from his friend sitting in front of him." Sabay pa silang humalakhak.

Friend?!

Lumabas ako sa cubicle at naghugas ng kamay sa lababo. Humarap ako sa salamin at inayos ang make up ko.

"Siya yun diba? " bulong ng isa.

Oo, ako lang 'to.

"Pwedeng makuha yung number ng kasama mo? " She handed me her phone. Bigla siyang naging anghel ah.

Kumuha ako ng tissue at nagpunas  ng kamay, nakaharap pa rin sa salamin.

"Why would I? " I raised my brow.

"Just give it to us. You sounded like a jealous girlfriend," nagsalita pa yung isa.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Makapal yung make up niya, sigurado akong ibang tao pag natanggal iyon. Hindi rin bagay yung color ng make up niya sa kulay ng balat niya.Hindi naman sa pagiging judgemental, pero parang ganun na nga.

" Yes I am. " Nginitian ko sila bago maglakad paalis.

"Bitch! " they shouted.

Biglang nag init yung ulo ko sa inis. Bumalik ulit ako at isinarado ang pinto.

"What did you say? " I asked. Nangingitngit na ako sa inis.

"Kung makapagsalita parang iyo na siya ah? Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang sinabi niya.

I suddenly lost all my patience. Sinabunutan ko sila gamit ang dalawa kong kamay. Bumaon ang mga kuko nila sa braso ko pero hindi ko inalintana iyon.  Sinabunutan rin ako ng isa.

Ang daya! Dalawa sila tas mag isa lang ako.

"Bitiwan mo'ko! "

"Bitiwan mo muna ako! " sigaw ko.

Nahihirapan rin kami dahil sa heels na suot namin. Gulong-gulo na yung buhok nila habang ako, puno ng sugat ang braso ko.

" You bitch," sigaw pa ng isa.

Malakas na ang sigawan namin sa loob. Nakarinig rin ako ng mga katok at mukhang naagaw na namin ang atensyon ng mga tao.

"F–ck you! "

"F–ck you ka rin! "

Pinagpatuloy ko ang pag sabunot sa kanila kahit nasasaktan na ako. Paniguradong marami akong sugat mamaya.

Bigla kaming napatigil nang bumukas ng malakas ang pintuan.

Andreus entered with full of anger. His jaw clenched and his eyes darkened.

Marahas niya akong hinigit palayo. Mabilis pa rin ang aking paghinga nang makarating kami sa sasakyan.

I expected him to scold me but he didn't. Dumapo ang tingin niya sa braso ko. His jaw moved aggressively.

" Let's go home. Gamutin mo na rin ang mga sugat mo. "

Hindi na ako umangal pa. Gusto ko na ring magpahinga.

"Why did you do that?" he asked, his eyes on the street.

"They disrespected me! They even called me a bitch! They asked me your phone number! I clearly told them I'm your girlfriend! " I burst out.

"Pero alam mo ba yung sinabi nila?!  Asawa nga naaagaw pa, girlfriend pa kaya!" I even mimicked the way they said it.

He bit his lips trying to stop his laughter.

"Anong nakakatawa? "

"Damn, I don't know what to say. " He chuckled.

Mas lalo lang akong nainis. Padabog akong kumuha ng tubig at ininom iyon. Natapunan pa ang damit ko.

Ang malas ko ngayong araw na 'to.

"I have a free tshirt at the back. " Magpipigil pa rin siya ng tawa.

Kahit ayaw ko, kinuha ko na rin iyon. Wala naman akong choice e.

It's a white shirt. He's really fond of white shirt.

Tinted naman ang salamin kaya tinanggal ko na ang tshirt ko habang nakatalikod kay Andreus.

Muntik na akong mauntog nang nagpreno siya.

"What the h–ll, Andreus?! "

I faced him. Nagulat ako nang mapagtantong hindi pa pala ako nakadamit kaya kita ang bra ko.

Umiwas siya ng tingin.

"F–ck! Don't you have shame?!" He tried to act calm.

"Oh, sorry, mabilis lang 'to. Just continue driving. " I turned my back to put his shirt.

When I finished putting his shirt on, he continued driving.

Tumingin siya sa damit ko. His lip arched and raised a brow. May mali ba sa suot ko? Napakunot ako ng noo at dali daling kinuha ang cellphone ko.

I clicked the camera to see what's wrong with my shirt. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko iyon.

I licked it so it's mine.

"What the h–ll?! "

"Yeah, it's yours, since you already licked it." He started laughing loudly. Napahawak pa siya sa tiyan niya habang nagmamaneho.

I couldn't help but to laugh too.

We were in the middle of laughing when he suddenly stopped. His face went back to being serious ,then he looked away.

I also stopped when I realized something.

He just laughed! Andreus Allejo laughed!

I mean, it's my first time to see him laugh like that.

And it made me feel so happy.




Allejo Series 1 | Forsaken MemoriesWhere stories live. Discover now