EPILOGUE

3.2K 89 24
                                    

  Author's Note:  Hi readers! This is the last chapter and thank you for reading this lame story! Please look forward to my upcoming novel.

Have a nice day! Always remember that you are worth it! The world needs you! Continue achieving your dreams. Keep going! Bye!

    —                              EPILOGUE

                     ANDREUS AZRAEL ALLEJO

Panay ang tingin ko sa orasan habang nakatayo sa harap ng simbahan. Pinagpapawisan na ang noo ko, panay ang kabog ng dibdib ko.

"She'll come," paulit ulit kong pangungumbinsi sa sarili ko. Pupunta siya. Pupunta siya. Mahal nga niya ako diba?

8:00 magsisimula ang kasal ngunit sampung minuto na siyang late. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Wala parin ba?" tanong ni Father.

I bit my bottom lip and shook my head.

Kanina ko pa siya tinatawagan ngunit ang operator ang sumasagot. Ang sabi ng make up artist niya ay sumakay naman daw ito sa kotse. Siguro na traffic lang.

Nakarinig ako ng tunog ng cellphone ko kaya hindi na ako nagsayang ng oras at binuksan ito.

Zeus sent you 3 photos.

I saw Zeus' name on my notification. Napakunot noo naman ako sa nakita. Ano na naman ang trip nito?

Wait. He's not also here.

Dali dali kong binuksan ang sinend niya at halos mabitawan ko na ang nakita. Unang kita ko palang sa larawan, alam ko na kung sino iyon.

Naging agresibo ang paghinga ko at kinuyom ang kamao. No! She's not the type of woman to do that.

Ang isa ay larawan ng wedding gown, ang pangalawa ay ang hita ni Cresia at ang pangatlo naman ay ang leeg niya.

Damn it!

Paulit ulit akong umiling . Cresia isn't the type of person to do that to me. She'll come. She'll probably come.

I breathed heavely, patiently waiting for her.

I know she'll come.

Ngunit lumipas ang sampung minuto..tatlumpong minuto..isang oras ngunit wala pa rin siya.

Nagbubulong-bulongan na ang mga tao.
I could see the people's stares. Pity. All I could see was pity in their eyes. Nakakaawa na ba ako sa paningin ng madla?

Dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot ito. May narinig pa akong tumawag ng pangalan ko ngunit hindi ko ito pinansin.

Nag-isip ako ng maaaring puntahan. Hindi ko alam kung bakit ang nakatagong bahay ni Zeus ang unang pumasok sa isip ko.

Mas binilisan ko pa ang pagmaneho. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakapagmaneho ng maayos gayong nanginginig na ang mga kamay ko.

They can't do this to me!

Cresia loves me, right? She told me she loves me.

I held on to that tiny hope until I arrived.

Nakakailang hakbang pa ako sa pintuan ng kwarto niya ay nakarinig na ako ng sumisigaw.

Are they pleasured that much?

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, sinusubukang hindi makagawa ng ingay.

Walang tao sa kama kaya kumunot ang noo ko. Sinundan ko ang tunog ng pinanggalingan ng ingay, papunta sa kitchen.

Allejo Series 1 | Forsaken MemoriesWhere stories live. Discover now