IT MAY MEANS NOTHING TO YOU BUT IT MEANS EVERYTHING TO ME

2.4K 61 12
                                    

Le Douleur Exquise

Lawrence's Pov:

" Ano ba, Dad? Ayaw kong ngang magtrabaho sa kompanyang iyon! I don't like business!" Patuloy kong kinukumbinsi si Dad pero wala siyang pakealam.

Tomorrow, he's sending me to Allejo's company to work there. Para daw sa experience. Experience,my ass!

Pagkanta ang gusto ko, hindi business!

Ugh. Useless namang ipagpilitan ko iyon kay Dad dahil dedma lang siya sa tuwing nagrereklamo ako. I guess I really have no choice.

Nagising ako ng maaga, nakabusangot agad ang mukha ko.
Naligo ako at nagbihis, hindi na ako kumain dahil sa pagmamadali.

Pagkaapak ko palang sa loob ng building ay mahahalatang isa sila sa pinakamayamang bussinessman. Ngunit bali balita ay umalis na raw si Mr. Allejo at may ibang pumalit sa kaniya.
Nagkibit balikat nalang ako at naglakad papunta sa opisina ng boss.

Uy shoti!

Pagkapasok ko sa opisina niya ay agad akong napatigil. A beautiful woman was sitting with her eyes outside. Magandang maganda siya. Ngunit parang may mali sa kaniya. Ang lungkot ng mga mata niya at tila wala siya sa sarili.

Tumikhim ako na siyang nakaagaw ng kaniyang pansin. Sandali pa akong natulala ng magtama ang mga mata namin.

" Uh, I was the one sent by-"

She cut me off. " Okay. Your office is on the fifth floor." She gestured me to go.

I grinned. Sungit!

Palagi ko siyang nakikita sa loob ng opisina. At hindi kumukupas ang ganda niya kahit stress na stress siya.

Isang araw , sinubukan ko siyang kausapin.

" Hi Ma'am. " Napakamot pa ako sa batok, medyo nahiya. Lawrence,kailan ka pa nahiya?

" Hello. " She only offered me a small smile.

Kinakausap ko siya tuwing may free time kami. Hindi naman siya mahirap pakisamahan eh. Sa paglipas ng panahon,nagiging malapit na kami sa isa't isa at aaminin kong hulog na hulog na ako sa kaniya.

Lahat ng kilos niya,napapansin ko. Palagi ko rin siyang pinapaalahanan tungkol sa kalusugan niya. Lumalabas rin kaming dalawa tuwing may free time.

She also told me about his ex fiance, Andreus Allejo, the former boss.

Iyon siguro ang dahilan kaya ang lungkot niya noong una kaming nagkakilala.

Ngunit ngayon, palagi na siyang ngumingiti. Ang ganda niyalalo pag ngumingiti. And I promised, I woud protect her smile forever.

Ngunit sabi nga nila, kung hindi para sa'yo, hindi para sa'yo.

Her ex came back. At alam kong masaya si Cresia. Alam kong mahal niya pa rin ang lalakeng iyon.

Alam ko ang paraan ng pagtingin niya sa lalake. Dahil ganoon rin ang paraan ng pagtingin ko kay Cresia.

Unrequited love. We've all been there, haven't we?

I smiled bitterly. Kahit ganoon, I still wish the best for her. I love her. At ganoon siguro ang pagmamahal.

We say we want nothing but happiness for the person we love. But that was not the truth. It was, we want nothing but happines for the person we love as long as we are the reason for it.

I genuinely smiled when I saw her walking in the aisle, beautiful in white. Ako dapat yan eh. Ako dapat ang lalakeng nasa harapan habang naghihintay sa kaniya.

She looked at me and smiled. Ngumiti rin ako sa kaniya kahit ang sakit sakit na.

Humarap na silang dalawa sa pari at nagsimulang magpalitan ng vows. Bago ko pa masaksihan ang paghahalikan nila ay lumabas na ako.

When you loved someone and had to let them go, there will always be that small part of yourself that whispers, "What was it that you wanted and why didn't you fight for it?"

And I would give this answer.

I didn't give up loving her. I just accepted the fact the she can never be with me.

Even after it ruined me. I cannot regret loving her. I hope that the night sky is pretty wherever she is.

Allejo Series 1 | Forsaken MemoriesWhere stories live. Discover now