CHAPTER FIFTEEN

2.7K 66 0
                                    

For the first time in my life, parang gusto kong harapin ang lahat.

Andreus was right. All I did was to run away.

Nakuha mo na ang gusto mo Cresia . Hinahayaan ka na niyang umalis. Ano pang hinihintay mo?

Pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak. Nais kong lumapit sa kaniya at sabihing hindi... hindi na ako muling aalis. Nais kong manatili sa tabi niya.

Pero masyado na akong nawasak. Staying with him will break me even more.

With bitter smile, I said one last time, "I love you."

His eyes softened and I could see the real him. Yes, this is the real Andreus. Ito ang taong mahal ko.

But this have to end now.

Binuksan ko na ang pintuan ang nagsimulang maglakad. Saulong saulo ko na ang eksenang ito. Aalis ako at papanoorin niya lang ako palayo.

Wala na akong mapuntahan kundi ang dating bahay namin. Doon na siguro muna ako titira habang hindi pa ako nakahanap ng trabaho. I can't stay in that company. Sigurado akong muling magtatagpo ang landas namin.

Nagising ako dahil sa malakas na katok . Tinignan ko ang orasan at kumunot ang noo ng makitang 12 am ang oras.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa pintuan. Patuloy pa rin ang naririnig kong katok.

Nanlaki ang mga mata ko ng binuksan ko ito. Tumambad ang hinhingal na si Andreus. Magulo ang kaniyang buhok at pagod ang mata. May sugat rin ang kaniyang mukha. I wonder what happened to him?

"Bakit ka nandito? " mahinahon kong tanong.

"Cresia, a-alam ko n-na," he replied.

Nakakunot noo akong tumingin sa kaniya. Nang mapansing wala siyang balak magsalita, pumasok na ako sa loob ngunit hindi ko pa rin isinasarado ang pintuan.

"Cresia." Sinundan niya ako sa loob.

"Ano?!" I hissed.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. I froze. The mighty Andreus kneeled in front of me.

"Ang gago ko... ang gago gago ko.. tangina. Alam ko na... lahat lahat.. t–ngina," paulit ulit niyang saad.

Mas lalo akong natigilan nang mapagtanto kung ano ang sinasabi niya. Paano niya nalaman?

Nanatili lang akong tahimik.

"Cresia, please take me back.. take me back.. please take me back.." He pleaded.

Doon ko napagtantong umiiyak na siya. This is the first time I saw him cry.

His sobs were strangling my heart.

Umupo ako para pantayan siya.

"Umuwi ka na."

Mabilis siyang umiling. "Hindi. Ayoko." His face was wet with tears.

Gusto kong sabihin sa kaniya na ayos lang ang lahat ngunit alam kong magsisinungaling lang ako. Hindi. Hindi ayos ang lahat.

"Leave now." Tumayo na ako.

Nanatili pa rin siyang nakaluhod at laking gulat ko ng yumakap siya sa binti ko.

"I'm sorry... sorry.. I'm sorry.. please take me back... parang awa mo na Cresia... please take me back... " He pleaded again and again.

"Get up Andreus Allejo. You kneel before no one. Least of all me." Tuluyan ng naglandas ang luha sa aking mata. Ang makita siyang nakaluhod at umiiyak ay masakit para sa akin.

"Sinaktan ka ba ng kapatid ko, hmm? Ano pang ginawa niya sa'yo? Tell me.. please tell me what happened.." He continued crying.

"I was ready to tell you that day.. I was almost raped and... the memories came back... Tumakbo ako Andreus.. kasi.. kasi hindi na ako makapaghintay na sabihin sa'yo.. na sa wakas naaalala ko na. Tapos babae mo ang madadatnan ko ?" I burst out.

"No.. no.. she's my sister... we were just playing around... " he explained.

Hikbi lang ang tanging naisagot ko.

"Please... please tell me more..Please pagsalitaan mo ako ng masama. Hurt me..hurt me all you want...Be angry at me.. Curse me...Kung hindi mo ako tanggapin ulit, patayin mo nalang ako Cresia."

"Ngayon pa? Ngayon pa na napagod na ako?! Andreus , I was sexually harrased by your brother!  And yes! I killed him! Anong gusto mong gawin ko?! Let him be? Andreus, lumaban ako... kasi.. kasi alam kong may naghihintay sa akin. Lumaban ako kasi alam kong naghihintay ka sa simbahan... kasi nag aalala na ako na baka isipin mong ayaw kitang pakasalan...lumaban ako....lumaban ako para sa'yo," my voice cracked.

Tuluyan siyang napaupo sa sahig sa sobrang panghihina.

"On that wedding day, my brother sent me photos ... he sent me pictures of your legs.. neck.. and I recognized it all immediately.. I'm sorry. Nagalit lang ako... inisip ko na.. hindi ka pumunta sa kasal para makipag sex sa kaniya? tapos.. tapos hinanap kita... hinanap kita tapos yun yung nadatnan ko.. inisip ko na pinatay mo ba siya kasi ayaw mong malaman ang sekretong namamagitan sa inyo? Galit ako... galit na galit ako.. Ngunit hindi kita pinakulong, Cresia... kasi ayaw kitang magdusa.. kasi hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita pagkatapos ng lahat ng ginawa mo..." Nahihirapan na siyang magsalita. Wala pa ring tigil ang pag iyak niya.

"Ngunit hindi mo ako pinagkatiwalaan! Mahal mo ako ngunit hindi mo ako pinagkatiwalaan! " I roared.

Parehas na basa ng luha ang mga mata namin.

"I'm sorry.. I'll make it up to you.. Just please take me back... parang awa mo na Cresia.. wag naman ganito.. hindi ko na kaya.." Umiling siya.

"I'll be good, Cresia. I promise I'll be good. Wag ka nang umalis, hmm?"

And then the walls I have built for myself had fallen.

"T–ngina, ang lakas mo sa'kin Andreus. " I sobbed.

Allejo Series 1 | Forsaken MemoriesWhere stories live. Discover now