4. PAGSIBOL

36 4 0
                                    


Sapagkat bata ka pa.

Kaya lagi kang nagpapaliwanag sa mundo.

Laging nililinaw, bakit ganito? Bakit dito?


Sapagkat bata ka pa.

Kaya natatakot ka sa sasabihin nila.

Kahit napapagod na, sige makikinig pa.


Sapagkat bata ka pa.

Maganda lang ang nakikita mo sa mundo.

Matamis ang ngiti mo, hanggang sa wasakin ka nito.


Sapagkat bata ka pa, noon . . .

Kaya lumaban ka kahit sugatan ka na.

Pinili mo kahit tinalikuran ka na.


Sapagkat bata ka pa, noon . . .

Kaya nagtiwala ka, naniwala ka.

Niyakap mo sila na parang pamilya.


Pero hindi ka na bata ngayon.

Hindi nabawasan ang mga kaibigan mo.

Nakilala mo lang kung sino ang totoo.


Pero hindi ka na bata ngayon,

Alam mo nang piliin ang mga laban mo.

Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa mundo.


Sapagkat natuto ka na ngayon.

Sa wakas, nakita mo na ang iyong halaga.

Bago ka magmahal ng iba, sarili mo muna.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now