18. "KARERA"

5 2 0
                                    


Ang buhay ay hindi isang karera.

Ayos lang naman na magpahinga.

Pero sa kabila nang pagkalma,

ang mundo'y mananatiling maingay.


Kaya sana, kasabay nang paghilom mo,

'wag mong kakalimutan 

na hindi hihinto ang mundo.

Hindi ka hihintayin nito.


Ang pansamantalang paghinto 

ay hindi dahil sa pagsuko.

Nag-iipon ka lang ng lakas.

Naghahanda ka para sa bukas.


Magtiwala ka sa proseso.

Pero bawat aral ay bitbitin mo.

Dahan-dahan man ang paghakbang,

tiyak na magandang bukas ang nakaabang.


Lahat ng para sa'yo ay makukuha mo.

Lahat ng pangarap mo ay magkakatotoo.

Babangon kang may panibagong lakas.

Balang araw, matatanaw mo rin ang maliwanag na bukas.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now