8. PAMBANSANG THIRDWHEEL

16 3 0
                                    

Nakasanayan ko nang maging masaya para sa iba.

Yung maglakad mag-isa habang magka-akbay sila.

Lahat ng kaibigan ko mayroon nang kapareha.

Kaya sa tuwing masasabit ako sa lakad nila.

Para akong nanonood ng pelikula.


Ako yung masaya sa kilig serye nila.

Habang ang kapiling ko lang yung milktea at pizza.

Ako yung may dalang jacket sa loob ng sinehan.

Habang sila nagyayakapan.

Sa tunay na pelikula wala silang maunawaan.

Wala silang inatupag kundi harutan.


Hindi ko naman pwedeng talikuran,

oras mula sa aking mga kaibigan.

Bago sila magkaroon ng perpektong tambalan

magkakasama na kami sa anumang lakaran.

Marami na kaming pinagsaluhan na kabiguan.

Sa tagumpay magkakasama din kaming nagdiriwang.

Kaya nasanay na ako na maging masaya para sa kanila.

Ako ang pambansang "thirdwheel" ng bayan.

"Always the bridesmaid but never the bride."


Hanggang sa isang araw nakilala kita.

Ang mga kaibigan ko gustong magpa-fiesta.

Sa wakas, nahanap ko na,

ang Daniel Padilla ng buhay ko.

Ang "perfect pair" para sa

natutulog na Kathyrn Bernardo

sa puso ko.


Pero nagkamali ako.

Hindi pa rin pala ako ang leading lady sa pelikulang ito.

Ako pa rin pala yung magdadala ng jacket sa sinehan.

Ako pa rin pala yung maglalakad mag-isa habang magka-akbay kayo.

Ako pa rin pala yung milktea at pizza lang ang kasalo

habang kayo kahit hindi na kumain "okay" lang.

Basta magkahawak ang mga kamay ninyo.

Hindi pa ba 'yan pasmado?

Ayoko na, tunog bitter na ako.


Nakasanayan ko nang maging masaya para sa iba.

Pero bakit ngayon parang hindi ko kaya.

Sapagkat ang laging "bridesmaid" noon

ngayon ay "maid of honor" na.

Pambansang "thirdwheel" sa "bestfriend" niya.

Nadagdagan na rin bilang "friend zoned "

ang korona niya.

Tatlong Dekada (Filipino)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें