2. SA PAGITAN NG BAWAT PERO

39 3 0
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang "pero" na dating nasa unahan ng salitang "mahal kita"

ngayon ay nasa dulo na, tulad nating dalawa.



Ang "pero, mahal kita" sa pagsisimula ng ating kabanata,

napalitan ng "mahal kita, pero..." sa pagtatapos ng bawat talata.



May pagkakaiba sa mensaheng ipinaparating.

May di pagkakatulad ng damdamin at mga saloobin.



Noon, kahit magkalayo tayo sa dadami'y magkaisa.

Ngayon, magkalapit man tayo'y nalulunod sa bigat nang nadarama.



Ang bawat "pero mahal kita" na sinabi ko para lumaban pa,

sinuklian mo ng "pero" at dinugtungan ng mga nahanap mong dahilan:



"Mahal kita. Pero kailangan kong umalis."

"Mahal kita. Pero pagod na pagod na ako."

"Mahal kita. Pero mas mahal ko siya."


'Yan ang mga walang kwenta mong pangungusap

na tumapos sa ating mga pangarap.

Kaya panalangin ko para sa bawat nasaktan

dahil sa mga "pero" na inilagay sa dulo ng usapan,

sana matagpuan ka ng kabalyerong di mapapagod lumaban.



Yung taong hindi maghahanap ng mga dahilan.

Yung tao na makikitang higit 

ang pagmamahal kaysa mga pagkukulang.


Yung taong magsasabi nang, " . . . pero mahal kita."


"Pero mahal kita, sa gitna ng unos at rumaragasang agos."

"Pero mahal kita, kaya lalaban tayo nang magkasama."

"Pero mahal kita, kaya kasama mo ako di lang sa ginhawa."

"Pero mahal kita, kaya lahat ay kakayanin nating dalawa."


Sana, yung "pero" na may tapang 

at paninindigan ang lagi natin piliin.

Sana, yung "pero" na handang lumaban 

ang lagi nating ibigay at tanggapin.


PERO sa mundo, kailangang lumaban

at maging matapang sa reyalidad.


Mahal kita pero...

sarili'y kailangan ding mahalin.

PATAWAD.

PAALAM.

SALAMAT.

HANGGANG DITO NA LANG.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now