5. UMIINDAP-INDAP NA LIWANAG

21 3 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang pagmamahalan nating dalawa

parang umiindap-indap na poste ng ilaw sa kalsada.


Laging may pangamba na baka hindi na magsindi

tuluyang mawala't mabalot ng dilim ang lahat.


Ang dating nagbibigay nang liwanag

sa ilang sandali'y tiyak na mabubuwag.


Sa tuluyang pagkakapundi ng ilaw poste sa kalsada.

Mababalot nang dilim ang mundo nating dalawa.


Hindi man tayo muling mabuo nang magkasama,

nagkapira-piraso nating puso mabubuo naman, di ba?


Isang araw, liliwanag muli ang ating kalsada.

Kahit na sa magkabilang dulo na tayo papunta.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now