15. HANGGANG KAILAN KA MAGIGING MATAPANG?

14 2 0
                                    


Matapang ka ngayon sapagkat bata ka pa.

Hindi ka pa natatakot sa pag-iisa.

Masaya pa ang bawat umaga

na tahimik kang nagkakape mag-isa.


Nakakahanap ka ng pag-asa

tuwing may bundok na aakyatin,

tuwing titingala sa mga bituin,

tuwing pipitas ng mga rosas sa hardin.


Pero minsan di maiwasang madama

sana may umaalalay sa bawat bundok na babagtasin,

sana may kaakbay sa pagmamasid sa bituin,

sana may kahawak-kamay sa paglalakad sa hardin.


Pero papaanong susugal sa hardin ng pag-ibig?

Kung ang kapalit ng mainit na yakap,

isang araw, lalatay sa balat mo ang lamig.

Sa likod ng madilim na ulap, puso'y mahina ang pindig.


Susugal ka pa ba sa pag-ibig?

kung sa paligid mo ay maraming napagal.

mga pangakong di nagtagal,

mga relasyong nakakasakal.


Sa pagtamasa sa tamis ng pangarap,

sa paglalakbay sa bawat sulok ng mundo,

napapangiti kang sigurado,

pakiramdam mo'y ang lakas-lakas mo.


Pero isang araw,

kapag nadarama mo na ang pagtanda,

kapag nag-iisa na lang sa 'yong kwarto,

mga mata'y mapapaluha, sa pagtingin sa larawan mo.


Oo, nga't kalayaan ang 'yong nadama,

sa bawat pagsubok na kinaya mong mag-isa.

Pero totoo bang naging matapang ka?

Kung ang pagsugal sa pag-ibig ay tinalikuran mo na?


Sa takot na masaktan tulad ng iba.

Ang puso'y tuluyang sinarado sa kaba.

Ngayon mo napatunay na mas masakit pala.

Mas mahirap palang tumanda ng walang kasama.


Hindi man ikaw ang piliin niya

hanggang wakas ng panahon,

ang mahalaga, hindi mo ipinagdamot

sa 'yong sarili ang pagmamahal.


Ang mahalaga, naging matapang.

Ang mahalaga, totoo ang iyong naramdaman.

Ang mahalaga, hindi ikaw ang nang-iwan.

Kaya sana habang may panahon pa,

huwag matakot sa isa pang pagkakataon.

Tatlong Dekada (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon