Naging manhid ka na ba
dahil paulit-ulit kang nasaktan?
Nagmakaawa ka ba
na piliin niya?
Ipinagpilitan mo ba ang sarili mo
kahit tinataboy ka na?
Naghintay ka ba
kahit sinabi niyang,
"Ayaw ko na."
Kapag sinabi niyang
"Di na kita mahal."
'Yun na lahat 'yun.
Wala ka nang hihintayin.
Wala kang aasahan na bumalik.
Magbabago siya pero hindi para sa'yo.
Ayos lang naman na makahiligan mo ang "Kdrama".
Ayos lang naman na kiligin ka sa pelikula.
Ayos lang naman kung "hopeless romantic" ka.
Pero 'wag kang "drama queen" kapag nasaktan ka.
Ang buhay hindi teleserye na ikaw ang bida.
Hindi ito "fairytale book" na may "prince charming".
Ang pagtatapat ng pag-ibig hindi "happy ending".
Ang pagpapakasal hindi laging "happily-ever-after."
Malayo ang pagitan ng panaginip at reyalidad.
Parang malabong usapan na hindi pinanindigan.
Parang relasyon na sa katagalan ay pinagsawaan.
Parang emosyon na panandalian lamang.
Ang bawat desisyon mo sa buhay
may kaakibat na responsibilidad.
Walang "superhero" na magliligtas sa'yo.
Lumaban ka para sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
Tatlong Dekada (Filipino)
PoetryAng TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talumpung taon. Tatlumpung tula. Naging inspirasyon ko sa pagsusulat nito ay ang aking personal na kuwento nang pagpapatawad, pagpapakatatag, pa...