10. PARANG KAYO PERO HINDI

10 2 0
                                    

Masaya ka.
Kinikilig ka.
Hanggang kailan?
Masaya ka na ba sa ganyan?
Yung walang kasiguraduhan?
Isang malabong usapan?

Sabi mo ayaw niya ng seryosohan.
Hindi kayo magkaibigan.
Pero hindi rin kayo higit sa nag-iibigan?
Ano na nga 'yang relasyon ninyo?
Parang kayo pero hindi?
Kahit yung lugar mo sa buhay niya
di ka sigurado.
Parang yung nararamdaman niya para sa'yo.
Ang paglalakbay ninyo ay isang malabong kuwento.

Ayos lang naman ang kiligin.
Wala namang problema
kung mamahalin mo siya.
Basta walang sisihan
kapag nagmukha kang tanga.
Kapag natagpuan na niya
yung seseryosohin niya.

Wala kang karapatang magalit.
Kahit di ka na makahinga sa sakit.
Kaya siguraduhin mo na matapang ka.
Sapagkat ang parang kayo
pero hindi na relasyon,
madalas hindi nagkakatotoo.
Hanggang dito lang siya,
mga taong pinagtagpo
pero di tinadhana.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now