20. MULING BUKSAN ANG PUSO

4 1 0
                                    

Sa tuwing nagmumuni-muni ka sa kalangitan

inaalala ang pag-ibig na biglaan kang binitiwan

sana hindi kumakalam ang sikmura mo.


Sana may tahanan kang uuwian.

Sana masagana ang 'yong agahan, 

tanghalian, at hapunan.


Baka nga . . .

may meryenda pa

— di ba?


Sa kabila nang kabiguan 

sa pag-ibig na nagpahinto 

ng mundo mo

sana makita mo na 

may tahanan kang uuwian.


Sa gabi, 

may kama kang hihigaan.

Hindi mo kailangang manatili 

sa lansangan.


Sana huwag kang mapagod makita

yung magagandang bagay na meron ka

— mga bagay na pangarap lang para sa iba.


Sana makakuha ka ng inspirasyon 

sa patuloy na paglaban nila.


Kumplikado ang kanilang sitwasyon, 

pero mas pinipili nilang maging masaya

— magtiwala at maniwala sa pag-asa.


HINDI DAHIL MAY ISANG TAONG NANAKIT SA'YO

SASAKTAN KA NA RIN NG BUONG MUNDO.

'WAG MO SANANG ISARADO 

ANG PINTUAN NG PUSO MO.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now