9. BAKURAN NG PANGARAP

15 2 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa bakuran ng pangarap.
Sa aking paglalakbay ay nakilala ko si Tagumpay.
Lagi niyang kasama ang kaibigang si Lumbay.
Hindi sila mapaghiwalay.

Sa magkaibigan,
si Tagumpay ang pumukaw
sa aking kalooban.
Simula nang magkita kami
di na siya nawala sa aking isipan.
Sa tuwing naiisip ko siya
ang ngiti ko'y di matatawaran.

Pero sadyang mailap ang pag-ibig.
Kahit anong gawing pilit,
ang mahagkan si Tagumpay,
tila di ko makakamit.

Sadya ngang mahirap habulin
ang mga bagay na tumatakbo
palayo sa atin.
Kaya tumigil ako.
Napagod ako.
Tinanggap kong si Tagumpay
ay mananatili na lamang
sa panaginip ko.

Sa paglipas ng panahon,
matagal kong di nakapiling si Tagumpay.
Sa aking tabi, ang naiwan ay si Lumbay.
Sa paglalakbay sa buhay,
kami ang naging magkasabay.

Pero minsan,
kahit may isang tao
na laging kasama.
Iba pa rin talaga
yung tunay na nauna.
Sa puso ko,
si Tagumpay pa rin
ang mas mahalaga.
Kaya naman si Lumbay
ay pinalaya ko na.

Sa araw na'yon,
dumating sa bakuran
ng pangarap si Pag-asa.
Simula noon,
kami na ang naging
laging magkasama.

Di nagtagal,
mas dumami pa ang tropa.
Nakilala namin ni Pag-asa,
sina Sipag at Tiyaga.
Walang pagsubok
ang di namin kinakaya,
lalo na kapag kami
ay magkakasama.

Napatunayan kong sa buhay,
di mo kailangan ang buong mundo.
Sapat nang makatagpo
ng kaunting kaibigan
pero mga tapat at totoo.

Salamat kina Pag-asa, Sipag, at Tiyaga
sa bakuran ng pangarap
kalakasan ay muling nahanap.
Di na ako muling susuko.
Mapapagod,
pero hindi papayag
na muling mabigo.

Tatalikuran ko na ang lahat ng takot.
Palalayain ang puso
na sa alinlangan ay nababalot.
Hanggang sa dumating
ang tamang panahon
ang aking susunod
na pagkakataon
para muling mahanap
at mahagkan si Tagumpay.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now