21. SAGOT SA PANALANGIN

4 1 0
                                    


Lagi mong napapansin 

yung mga nanakit sa'yo.

Pero yung nagmamahal ba sa'yo,

naaalala mo?


Lagi kang umiiyak

kapag pakiramdam mo naiwan ka.

Pero yung hindi nang iwan sa'yo, 

napasalamatan mo ba?


Nagrereklamo kasa mga galos ng puso mo.

Pero yung nagpasan ng krus 

at namatay para iligtas ka, 

naiisip mo ba?


Yung mga pagsubok na pinagdadaanan mo ngayon, 

bahagi ng paghubog sa'yo ng panahon.

Isang paalala para matuto kang lumingon

sa Dakilang Lumikha 

na sa panalagin mo ay tutugon.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now