V2:(3) PE Martial Arts Arc 1

19 2 0
                                    

"PE Martial Arts Arc"

Matapos babain ang tawag ay napa titig siya ng matagal sa monitor na nasa harapan niya habang minamasahe ang kanyang panga na tila nag-iisip ng malalalim.

Sa monitor na iyon ay pinapakita ang mga graphics ng isang utak ng tao.

Ngunit hindi pa ganoong katagal nang binaba niya ang telepono. May maririnig na mabilis na yabag na papalit sa likod niya kaya agad siyang bumwelta upang salubungin ang taong ito..

"Bryan!" Sigaw ang sinalubong sa kanya ng lalake. "What's the meaning of this?!... even if you're her brother how could you do this!". Sigaw nito sa pagmumukha ni Bryan.

"Alex, I know you know very well she wants freedom. At least 'she' experience being in liberty". Kalmado nitong sagot.

Dahan-dahang kumalma si Alex hindi dahil sa sinabi ni Bryan kun'di sa pag-alala na kung ano ang mangyayari sa babaeng iyon dahil sa kagagawan ni Bryan.

"Ahm..where is she again?". Tanong ni Bryan habang binalik ang atensyon sa monitor.

"She's... PJ High".

Sa huling salitang binitawan ni Alex, nanigas si Bryan sa kanyang kinatatayuan. Dahan-dahang nilingon si Alex na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig

"Are you serious?!".

ANG liwanag ng bukang-liwayway ay tumagos sa kanyang silid dahilan para tumama sa kanyang mukha. Kung kaya't siya ay nagising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Kanyang kinusot ang kanyang mga mata at pumunta sa bintana.

"Another day..... another chances". Giit niya habang minamasdan ang sumisikat na araw. "ah..So warm..." pagpatuloy niya habang pinipikit ang kanyang mga mata at tumingala sa kalangitan na may determinasyong makikita sa mga mata. "I will do my best to find that person this time"

SA bawat mesa ay abalang-abala ang mga Peragon sa kanilang mga ginagawa na makikita sa lounge. Lalo na ang mga nagse-serve sa ibang Peragon. Ang iba ay nagke-kwentuhan, nagtatawanan at ang iba nakatutok lamang sa kanilang mga gadyets habang hinihintay dumating ang kanilang mga pagkain. Mga ganitong oras ang mga taong kinikilalang top rankers or mga 'Paragons' sa PJ High ay hindi mo makikita sa lounge. Kaya naman mapayapa ngayon sa lounge. Karamihan sa kanila ay hindi na kailangan pang pumunta sa lounge dahil ang iba ay nagluluto ng agahan sa mismong dorm nila lalo na sa mga Paragons na mula sa VIP room dahil sa bawat VIP room ay parang mga apartment na nila, nando'n na lahat ng kailangan mo. Ang iba naman ay makikita mo sa mga lugar na sila lamang ang makakapasok at makakapunta.

Tulad na lamang ni Zach at ang kaibigan niyang si Zeus na anak ng may-ari ng PJ High.  Nakatambay sila ngayon sa dating abandonadong opisina ng dating Head Master na ngayon naging tambayan na nila. Ngunit hindi lang ito basta tambayan dahil kung tingnan ay parang nasa loob sila ng arcade. Maraming makikita na pwedeng maaliwan nila. May makikitang mga VR headset, play station, billiards, malaking monitor at may makikita ring portable refrigerator na naglalaman ng mga soda can at ibang beverages.

Magta-tatlong taon na noong una nilang binago ang dating office ng headmaster sa isang arcade. Lahat ng mga ito ay plano ni Zach noon.

"Bakit mo ba hinahanap ang lalake na iyon?". Tanong ni Zach habang abala ito sa paglalaro ng video game.

Ngumisi si Zeus.

"I don't know... my guts is telling me to find him..." yumuko siya saglit at agad na binalik ang tingin kay Zach."..just like how you did to that girl"

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon