V2:(4) P.E MARTIAL ARTS ARC

43 2 1
                                    

SABAY na pumasok si Maryann at Serah sa kanilang classroom. Ngayon wala nang makikitang pekeng bangs at salamin sa mukha ni Serah na palagi niyang suot dahil si Serah na mismo ang nagsabi na walang silbi ang pagdi-disguise niya kase wala namang nakakilala sa kanya dito. At isa pa minsan niya nang pinakita ang mukha niya nang hindi nakasuot ng bangs at salamin.

'Bakit kaya ngayon niya lang naisip iyon' taka ni Maryann.

"Ano?" tanong ni Serah dahil kanina pang nakatitig sa kanya si Maryann at tulala.

"Ah wala"

Nauna nang tumungo si Serah sa kanyang upuan ngunit nanatili parin ang mga tingin ni Marrriane kay Serah.

"Mukhang may nagbago sa kanya". Bulong niya sa kanyang sarili.

"Ano?". Agad namang napaigtad si Maryann sa biglaang pagsingit ni Althea. Tumawa pa ito ng makita ang reaksyon ni Maryann. "Hahaha Morning".

"Geez, Althea"

"Morning miss pres" bati nito at kumaway. Ngunit nanigas ang mga ngiti ni Zach at takang nakatingin sa mga malamig na mga mata ni Serah na ngayon ay  malalim na nakatitig kay Zach. Pati sina Suho, Neil at Brentt ay nagtaka rin sa pagtigil ni Serah at ang mga titig ni Serah kay Zach. Parang may gusto itong sabihin kay Zach ngunit nagdadalawang isip kung sasabihn niya ba ito. Saglit namang kinabahan si Zach dahil sa mga tingin na tila pati kaluluwa niya ay makita. "Ah miss prez?"

"Ah, nevermind" mahinang sabi ni Serah saka umupo sa kanyang desk. Iniisip ni Serah na kung sasabihin niya kay Zach na nililigawan siya ni Lancelot siguro titigil na ito sa pag-asang may chansa siya kay Honor. Dahil ang pagligaw ni Lancelot ay isa lamang sa plano niya at ni Lancelot. Pero baka kung sabihin niya ngayon ay magdududa sila at isa pa may parte sa kanya na pinipigilan siya na gawin iyon.

Lancelot is using her, and she is also using Lancelot. Both of them have ulterior motives for being in a relationship.

'So I must get rid of those people trying to distract her'

°°°°

"AGHH it's always like this but I'm not getting used to it". Reklamo ni Brinna. Kakatapos lang ng kanilang klase at ngayon papunta na sila ng canteen para mag lunch "mas gusto ko pang mag martial arts, ugh so hungry" sabay galaw ng mga braso na parang umaakto ng self defense.

"good for you Brinna". matamlay na sabi ni Maryann. Dahil kumpara kay Brinna mas gu-gustuhin niya pang magklase na lamang kesa gawin ang P.E. Bumalin si Maryann kay Serah na ngayon tahimik na naglalakad kasama nila. Mula pa kanina hindi ito kumikibo at parang ang lalim ng iniisip. Ngunit mukhang hindi naman nakapansin si Brinna dito dahil gano'n parin siya umasta.

'ako lang ba?'

"so.. what's our lunch for today?" na nanabik na tanong ni Brinna. Bahagyang umingil si Maryann dahil puro pagkain na lamang ang iniisip ni Brinna lalo na kapag lunch time.

MATAPOS kumuha ng pagkain sa counter ay agad na nakahanap ng bakanteng mesa sina Maryann at Brinna. Nang magsimula na silang kumain ng kanilang lunch agad na nag on ang malaking speaker sa loob ng cafeteria. Isang pamilyar na boses ang marinig mula sa speaker.

"All I hear is raindrop.. falling down the rooftop"

Kantang pinatugtog sa buong cafeteria, kantang minsan ng pinatugtog sa buong PJ High. Ang nag-iisang cover ni LC. Ang mysterious singer ng PJ High.

Habang pinatugtog ang kanta, si Serah ay nakatitig kay Maryann na tahimik na kumakain.

"Isn't that you Maryann?"

Muntik nang mabilaukan si Maryann sa 'di makapaniwalang tanong ni Serah.

"Ha,ha?". Pagkukunwari niya.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon