Volume 1: chapter 21

42 4 0
                                    

ZACH EDWARD

Kaya ko ito, tiwala lang. hangin lang sila at tao ako malakas parin ako sa kanila.

Matapos palakasin ang loob ko saka ko pa minulat ang mga mata ko at mabilis na nagwalis sa mga damong paulit-ulit nahuhulog mula sa puno.

"ugh!".

Tinapon ko ang walis tingting palayo sa akin dahil sa inis. Nauubos narin ang pasensya ko. "ayaw ko na! Pagod na ako!". Hinawakan ko ang baywang ko at ang kaliwang kamay ko sa ulo ko.

Bumuntong hininga na lamang ako.

"Ang pagkaka-alala ko pumunta ako dito sa eskwelahang ito para matuto hindi ko naalala na nag-apply ako bilang isang tagapag-walis ng mga walang katapusang paghulog na damo mula sa puno!. Inuubos talaga ng tandang iyon ang pasyensya ko! Akala niya mauutusan niya ako". Reklamo ko sa sarili.

Tsk, I had enough!

Pinapawalis niya ako dito sa ilalim ng puno! Gago ba siya. Dahil sa kanya hindi ko naka-usap si Miss. Pres.

"Haystt!".

Padabog akong naglakad papunta sa ilalim ng puno ngunit hindi pa ako nakarating sa puno rinig ko na ang boses na ayaw kong marinig.

"hoy! Sino ang nagsabing tumigil ka ah?".

Andito na naman yung matanda! Ipapamukha ko talaga sa kanya na hindi niya ako utusan makakatikim talaga siya sa akin. Tumalikod ako para harapin siya nang nakakunot ang noo.

"alam mo tanda.." inis akong humarao sa kanya ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pinitik niya ang tenga ko gamit ang mga daliri niya kaya napahawak nalang ako dito at napangiwi sa sakit.

"anong tanda ah". Angas niyang sabi. Matanda naman talaga siya dahil 35 na siya, anong akala niya nasa 20s pa siya?

"hayst! Bakit niyo po ba ako pinapawalis? At sa ilalim ng puno pa! Magkaedad na lang tayo hindi pa mawala ang mga damo dito eh". Nguso kong sabi sabay dabog ng mga paa ko. Nakita kong pinulot niya ang walis at humarap sa akin. Agad akong nasikmatan ng pinalo niya ang paa ko gamit ang walis. Ngunit hindi naman kalakasan. Left and right niya akong pinalo ng apat na beses kaya ungol ako ng ungol. Panay naman ang iwas ko ngunit magaling talaga ang matanda na ito.

"simula ng dumating ako hindi mo ako tinawag sa pangalan ko!". Diin niyang sabi habang pinapalo ako ng mahabang walis.

Pangalan lang pala hayst! Pinapahirapan mo pa ako.

"ohw ouch! Sandali!sandali! Pangalan? .". Tumayo ako ng maayos at umubo ng isang beses para palinawin ang lalamunan ko. "tama na Leo napapagod na ako.."

"anong Leo?!". Bulyaw niya. Nang makita kong papaluin na naman niya ako ay agad ko itong naiwasan ang swerte ko dahil naiwasan ko na talaga.

"whew! Muntik na iyon".

Nang makita ko siyang papalapit sa akin padabog akong tumungo sa ilalim ng puno.

"bakit niyo po ba akong pinapahirapan 'Mr. Sane?' Estudyante ako hindi taga-walis". Reklamo ko. Diniin ko pa yung pangalan niya.

Tumigil na siya at bumuntong hininga.

"tama na muna 'yan, bumalik ka na sa klase mo"

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon