Volume 2: (2)

30 2 0
                                    

NAKA upo ang dalawang mag-asawang matanda sa upuan sa labas ng kanilang bahay habang umiinom ng kanilang mga tsaa sa umaga at habang nag-uusap. Sa kabilang mesa naman kung saan nakaupo si Serah at Eli.

Nakatulala ang dalaga sa dinala ni Eli na pancake. Tinatanong sa sarili kung bakit naging paborito niya ang pan cake.

" titigan mo lang ba 'yan?". Biglang tanong ni Eli na nagpabalik ng wisyo kay Serah.

"Ah". Tugon ng dalaga at kinuha na ang tinidor at nagsisimula na itong kumain.

" Serah!" biglang tawag ni Eli kaya bumalin dito ang dalaga sabay naman nitong mabilis na pagkuha ng litrato ni Eli sa kanya gamit ang hawak nitong camera na hindi niya napansin na sa kamay kanina ni Eli. Mahina naman napa- humalikhik ang binata.

"What are you doing?". Walang emosyong tanong ng dalaga habang diretsong nakatingin kay Eli. Sanay si Eli sa blankong ekspresyon nito kaya hindi niya iniisip na galit ang dalaga.

" kinukuhanan ka". Ngisi nito. "Alam mo ba matagal ko na 'tong hinahanap sa kwarto ko kaya ngayon nahanap ko na. Gusto ko ikaw yung unang mapicturan ko". Dagdag pa nito.

Medyo matagal pa napatitig si Serah sa camera bago magsalita. At tila may napansin sa huling salita ni Eli.

" but it looks like you just bought it, no?".

Agad napabalisa ang binata at bantulot na humalikhik.

"So, hindi na pala madaling magsinungaling sayo ngayon?". Napangisi ang binata.

"...."

"Tama ka. Hahaha". Bantulot niyang tawa sabay kamot ng kanyang kaliwang kamay sa batok.

" and why do you have to lie?".

"ah hahaha". Mahinang tawa ng binata. Sa kanyang inasta mas lalong diniin ni Serah ang kanyang titig sa binata.

" What is there to laugh about? Mind to answer me?".

"Ah wala lang... Nasabi ko lang 'yun". Sagot ng binata.

-'remember, people, lie easily so never trust their words, Honor. You mustn't

"I hate lies". Giit ni Serah. Bigla na lamang itong lumabas sa bibig niya ng maalala ang palaging babala sa kanya ni Alex noon. "But I easily trust people"

Agad namang lumungkot ang ekspresyon ng binata na inaakalang nagalit sa kanya si Serah.

" pasensya na..baka kase magtanong ka kung saan galing ang pera kung sabihin ko sayo na binili ko ito". Giit ni Eli.

Serah suddenly felt a hint of why Eli did lie to her. Maybe because that is something she shouldn't know about?

"Can you take picture of me again?". She changed the subject.

Dahil sa pakiusap ng dalaga agad siyang nagulat ngunit agad naman itong nahimasmasan at masayang sumang-ayon kay Serah at kinuha ang Camera at tinapat sa mukha niya.

" 1..2..3 smile!". Saad ng binata. Mas ikinagulat niya ay ang pag-ngiti ni Honor sa camera. Sinabi niya lang ang salitang 'smile' kahit pa iba ang inaasahan niya. Tulad na lamang ng kinuhanan nila ng litrato si Serah para sa magiging litrato nito sa bio data dahil sila ang nag-register kay Serah sa PJ High. Kahit ang mga walang ekspresyon nitong mga mata ay magawa ring ngumiti kung ito'y ipapaharap sa camera.

At dahil iyon kay Dean! Sa tuwing bumibisita ang binata noon kay Honor sa mansion ay palagi itong may dalang camera.-Whenever you're infront of camera don't forget to smile! 'Cause that's what people normally do. Ang palaging sinasabi ni Dean kay Honor noon para masanay ang dalaga sa ganitong bagay at palagi rin itong sinusunod ni Honor dahil gusto niyang mabuhay ng normal.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon