Volume 1: chapter 23

33 4 0
                                    

While in the middle of the class of last subject before lunch, Serah fell into deep slumber. Tatawagin sana siya ng guro nang pinigilan ito ni Zach and made a 'shh' signed.
Kahit na hindi niya man alam kung anong dahilan nang pagka-puyat ni Serah ay ayaw niya itong ipa-istorbo.

Nang matapos na ang klase ay tulog parin si Serah sa desk. Dahil sino ang hindi aantukin nang hating gabi na sila natulog dahil sa dorm nila natulog si Brinna dahil ipinababawal na ang lumabas na lampas alas nuebe ng gabi. Hindi rin siya sanay na matulog sa ganoong oras kahit pa marami siyang binibigyan na mga aralin o training ay pinapatulog siya ng maaga.

Wala nang ibang tao sa silid kun'di ang mahimbing na natutulog na si Serah at ang lalaking naka-upo sa harapan niya na hinihintay ang kanyang paggising, si Zach. Naka-yakap ito sa seat board habang malambot ang mga mata'ng minamasdan ang mukha ni Serah. Ayaw niyang palampasin ang oras na ito habang tulog siya. Buti na lang ay natagumpay niayng natanggal niya ang salamin kanina habang tulog ito. Nang simula niyang basahin ang diary nito kahapon ay mas lalong gustong niyang mapalapit kay Serah. Napagdesisyonan niyang isauli ito mamaya pag naka-balik na sila sa dorm.

Hindi mawala sa kanyang labi ang ngiti habang nakatingin sa dalaga. Ni ayaw niyang lumingon sa ibang direksyon dahil baka sa isang iglap lang ay magising na ito ay hindi na niya ito mapagmasdan habang tulog. Ayaw niya iyon. Sa pagkakataong ito para sa kanya ay tila wala na siyang ibang nakikita kun'di si Serah. Bimibilis ang tibok ng puso niya at alam niyang hindi niya na gusto si Serah kun'di iniisip niya na baka mas lumalim na ito kahit hindi pa sila gano'n ka lapit sa isa't-isa. He always believed it takes seconds to like someone but it takes so much time to love someone. But how could he explain himself when the first time he saw her within less than a minutes. He already saw love. He knows it is love kahit na hindi pa ito masyadong malinaw sa kanya. Gano'n siya ka cheesy pagdating sa ganitong bagay.

Pero kung ano man ang nararamdaman niya ang tanging alam niya lang ay tumitibok ito para sa kay Serah that he always secretly got worked up whenever he saw her or even talk to her.

Dahan-dahanin niya ang paglapit sa dalaga, kaya niya namang maghintay hanggang pareho na nila gusto ang isa't-isa. Dahil gagawin niya ang lahat magustuhan lang siya ni Serah.

Dahil malapit si Serah sa bintana tumayo siya at kumuha ng notebook at inilapit sa itaas ng mukha ni Serah para harangin ang silaw at init ng araw na tumatama sa magandang mukha nito. Ayos lang kung mangangalay ang kamay niya huwag lang masilawan ng sikat ng araw ang mukha ni Serah.

NAGLALAKAD siya sa hallway at pupuntahan si Brinna para sabay na mag-lunch. Saka niya na balikan si Serah pag-nahanap niya na si Brinna. Alam niyang nandoon si Zach at may tiwala siya dito. Kahit na halata talaga na may gusto si Zach kay Serah pero alam niyang manhid ang kaibigan niya kaya ayos lang.

Ayaw niya man pumunta sa floor ng S class pero kailangan dahil tatawagin niya si Brinna. Kahit ilang araw lang sila naging magkaibigan ngunit mabilis naman silang nagkasundo but they did not still exchange phone numbers. Siguro mamaya mag tatanong na siya para hindi niya na kailangan pumunta pa sa building S class sa hinaharap.

Habang naglalakad sa hallway kaunti lang ang makikitang Peragon na dumadaan dahil lunch time. Aasahan mo ang iba ay nasa cafeteria. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Maryann ng makita ang lalakeng hindi niya dapat makita sa hallway. Hindi dahil na e-excite siya kun'di kinakabahan dahil sa ayaw niyang makita ang lalakeng ito. Huwag muna sa ngayon. Para sa kanya mabuti nang pinalilibutan ito ng anim na babae. Nag-uusap tungkol sa comeback ni Kyle.

Palihim niyang pinakalma ang sarili. Kailangan niya lang lumagpas sa kinaroonan nila ng hindi lilingon. Alam niya sa sarili niya na kaya niya yung gawin ang iniisip niya ay si Kyle. And yes! The idol that every girls obsessed about is none other than her husband! Ashy Kyle Connor. Sixteen years old siya nang nagpakasal sila for some reason. Pero syempre wala pang nangyari sa kanila na tulad ng ginagawa ng mag-asawa matapos magpakasal o kahit sabay man lang matulog sa isang kwarto. Mag ta-tatlong taon na siya sa PJ High at walang may alam sa koneksyon nila dahil sa loob ng tatlong taon maingat siyang nakipagkita kay Kyle.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon