Volume I: chapter 4

74 4 0
                                    

Natapos na ang orientation ng 11th grade kaya isa-isa na itong umalis sa gym at sumunod namang mga estudyante na may mga parehong mga uniform na kulay asul at naka-linya sila para pumunta sa kanilang magiging upuan.

"sa nakikita mo magkaiba ang mga uniform natin, at mga senior high lang ang may karapatan na magsuot ng iba't-ibang uniform na gusto nila. Junior high has only two types of uniform. Isa sa lalake, isa sa babae". Paliwanag ni Sam. "at magkalayo ang building ng senior high sa junior high, magkaiba din ng direksyon ng dorm nila kahit iisa lang ang building" dagdag niya kaya marahang tumango si Serah.

"sure ka bang hindi ka mag d-dorm? It's required y'know". Umiling si Serah sa tanong ni Sam. "ah bababa muna ako, babalik lang ako kase may kukunin akong brochure para ibigay sayo".

Tumango si Serah at mabilis namang tumakbo si Sam papunta sa hagdan. Bumalin si Serah sa mga junior high na ngayon naka-upo sa mga upuan.

"are?". (huh?) Isang tinig ng babae ang narinig niya mula sa likod kaya tumalikod si Serah. Isang babae na masasabi mong may hinahanap dahil palinga-linga ang mga mata nito. Maganda siya at may bangs rin siya na straight tulad ng mahaba niyang buhok at kasing kapal din kagaya ni Serah. Naka suot ito na dark-blue blazer at plated dark blue skirt at sneakers ngunit medyas na hanggang ankle niya lang.

"I know, I saw Sam here with you just a while ago". Mahina niyang sabi.

"yes, but he shall be back soon". Tugon ni Serah. Tumango naman ang babae.

"you're Serah? My name is Ella Mizuki". Pakilala niya sa kanyang sarili at baghagyang yumuko. "the same year as you, from S class. I'm half japanese". Dagdag niya matapos yumuko.

"how come you know me?". Taka ni Serah.

"it's because I'm the Student Council Secretary so I know about you and that person I'm looking for is Sam. The Spokesman of the student council court". Sabi niya habang nakatingin kay Serah na wala ring emosyon.

Lalong naguguluhan si Serah dahil wala siyang alam sa mga sinasabi nito. Student council court? Tatanong na sana siya nang marinig niya ang mabilis at malakas na yabag na papunta sa direksyon nila.

"Ella! Andito karin pala". Ngiting sabi ni Sam matapos tumakbo papunta sa direksyon ng dalawa.

"I'm looking for you". Balin ni Ella kay Sam.

Inabot ni Sam ang hawak niyang brochure kay Serah at kinuha naman ito sa kamay niya.

"makakatulong yan sayo para makilala mo nang lubusan ang PJ High".

Binasa ni Serah ang nakasulat sa brochure na nakasulat na 'PJ High Academy, school that'll reached beyond your expection'

Sabay silang tatlong umalis sa gym. Sinundo nila si Serah sa building C kung saan building ng 11th grade. Dahil nasa second floor ang room niya kaya sinamahan siya nito hanggang sa elevator . Nagpaalam na sila at naglakad habang si Serah naman ay pumasok na sa elevator. Ilang segundo lang matapos niyang pumasok sa elevator ay may sumunod naman na lalake sa kanya. Hindi niya na tiningnan yung mukha at pumindot para isarado ang elevator.

Paglabas niya palang sa elevator ay nahanap niya agad ang room 46 dahil isang lingon lang sa kaliwa makikita na ang room 46. Laking pasasalamat niya at hindi ito mahirap hanapin.
Ngayon nasa harapan na siya ng pinto ng room 46.

Inhale. Exhale.
school new people. It'll be fine.

"are you done? Can you please hurry up and open the door already? "

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon