Volume 1: chapter 16

44 4 0
                                    

Dahil sa wala siyang pake sa mga sinasabi ng guro niya ay naisipan niyang tumungin sa bintana.

Ang kanilang building ay nakaharap mismo sa may field at kita niya mula sa bintana ang mga malalaking puno at mga estudyanteng nag b-biking sa may field. Hanggang sa dumapo ang kanyang mga mata sa isang babae at lalake na magkasamang naglalakad sa field. Ang lalake ay hawak-hawak ang kanyang bisekleta samantalang ang babae ay nasa tabi niya. Tawang-tawa ang lalake habang kausap ang babaeng nakangiti. Hanggang sa sumakay ang lalake sa kanyang bisekleta at pina-angkas niya ang babae sa likod. Sa senaryong iyon ay naalala niya ang unang pagkakataon niyang sumakay sa motor ni Eli. Kung gaano siya ka-ignorante noon sa motor ni Eli kung paano siya natakot na baka ma-tumba ang motor na sinasakyan nila pero may tiwala naman siya kay Eli.

Hindi pa nakalayo ang lalake at babae na naka-sakay sa bisekleta ay bigla na out of balance ang sinasakay na bisekleta nila dahil sa bato kaya pina-upo ng lalake ang babae sa ilalim na puno at pinagpag ang tuhod ng babae at ang lalake na ang nagpatayo sa bisikleta.

Naalala ni Serah ang mga panahon na tinulungan siya ni Eli sa lahat ng bagay. Naalala niya ang pag-sunog ng mga ulam na sinubukan niyang lutuin at agad na pinauwi ng sumama siya kay Eli na bumili sa tiangge at nawalan siya ng malay dahil hindi pa siya sanay sa marami at siksikan na tao at kung paano nabasag ang mga gamit pang-bahay dahil sa pagtulong niya kay Eli at ang lasa ng mga ulam na homemade na sa unang pagkakataon lang natikman ni Serah. Tila ang mga pangyayaring iyon ay kanina o kahapon lang naganap sa kanya dahil hindi niya pa ito nakalimutan. Na miss niya si Eli ang pangatlong tao na tumulong sa kanya kung paano mabuhay ng malaya at bigyan ng kulay ang madilim niyang paniniwala. But out of three Eli is the most helpful and influencer of them.

Namiss niya ang pangungutya nito at kung paano ito ngumiti sabay labas ng malalim na dimple sa kanyang pisnge ay namimiss niya din. Bigla niya rin naalala ang nanay niya sa huling sandali at ang bilin nito.

"Please Be happy Honor, don't let your smile fade away"

Hindi niya batid kung bakit biglang sumanib sa isip niya ang bilin ng kanyang ina. Siguro ay unti unti niya na itong natutupad ang maging masaya?

Hindi niya namalayan na unti-unti nang may bumubuong luha sa mga mata niya.

Tinapik siya ni Matt ng dalawang beses dahilan para mabalik siya sa katinuan. Nang marahan siyang lumingon kay Matt ay bumagsak ang mga luha sa kanyang mga pisnge.

"are you crying?". Tanong niya dito. Kaya kahit si Serah ay nagulat kung bakit siya napaluha.

"no I was not its just..I-apologize". Mahina niyang sabi. Tinanggal niya ang suot niyang salamin at pinunasan ang kanyang mga luha at inayos nito ang sarili at sinuot ulit ang salamin.

"walang grado ang salamin mo". Pagtataka niya ng makita ang salamin na nilapag ni Serah kanina sa desk nito bago sinuot ulit.

"Pardon?". Tanong niya kay Matt ng mahimasmasan.

"Hey there you two, stop that chit-chat". Sigaw sa kanila ni Ms. Beech. Agad na tinakpan ni Zach ang bibig ni Suho ng magsalita pa sana ito at takot na tiningnan ang guro ngunit nagulat siya dahil hindi pala ito naka-tingin sa kanila kun'di sa direksyon nina Matt at Serah. Nakita niya na nakaharap si Matt pati narin ang direksyon ng katawan nito kay Serah habang si Serah ay nakatingin sa mga mata ni Matt na parang mga ka-love team na akala mo'y nagkadedevelopan ng mga feelings. Iyon ang iniisip ni Zach sa makitid niyang isip.

Parang naka-ramdam naman si Zach ng kirot sa puso ng makita niya ang pagtitig ni Serah sa mga mata ni Matt.

Agad na umayos ng upo si Matt at Serah ng mapansin na nasa kanila ang atensyon ng iba.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon