Volume 1: (30)

28 2 0
                                    

MARYANN LUKA

Naalimpungatan ako sa door bell na paulit-ulit na nag-iingay. Bumangon ako at nakitang mahimbing parin ang tulog ni Serah. Binababa ko na ang mga paa ko sa sahig at tumayo para buksan ang pinto. Sobrang maaga pa para pumunta sa klase.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Brinna na sabik na sabik na bumati sa akin at naka-suot siya ng P. E uniform. Naalala kong Wednesday na pala ngayon at every Wednesday ang wash day namin. Wash day nga pero P.E uniform ang isusuot. Unlike sa ibang eskwelahan, whole day naming suot ang P. E uniform namin at hindi kami makakapasok sa klase 'pag hindi suot ang PE uniform sa araw ng miyerkules . Pero syempre P. E day ngayon sa lahat ng Senior High ngunit syempre iba't-iba ang schedule.

"ang aga mo ata". Bati ko saka humikab. Tumalikod na ako sa kanya at rinig ko naman na nasarado na ang pinto kaya alam kong naka-pasok na siya.

"yap, maaga ako nagising kaya naligo na ako para sabay na tayo". Nakakatuwa, ang sigla niya talaga kahit maaga pa.

"pero magkaiba ang building natin". Balin ko sa kanya.

"sabay na tayong kakain". Nakangisi nitong sabi. Ang saya-saya talaga ng mukha niya. Ano naman kaya meron ngayon sa P.E para maging ganito siya kasabik.

Tumungo ako kay Serah at ginising siya.

••••

Lahat ng Peragon ay naka-suot ng P.E uniform. Light blue sa junior na may printed at kulay royal blue naman sa mga Senior syempre may printed din.

Kasalukuyan kami ngayong nasa lounge para mag almusal. Mula pa kanina ay hindi mawala ang mga mata ni Serah sa kanyang suot na P.E kesyo ngayon lang daw siya nakasuot nang P.E, hindi ko rin alam bakit siya masaya sa suot niya. Minsan hindi ko siya naiintindihan. Masaya kong hinigop ang juice hanggang sa may dumaan sa likod ni Serah at walang iba kundi si Ashy. Saglit niya akong tinapunan nang tingin at palihim na ngumisi sa akin, hindi ako nagpaapekto sa mga ngiti niya. Buti na lang walang nakapansin. Hindi na ako namamalagi sa dorm niya tulad noon simula nang makilala ko si Serah syempre liban noong araw na iyon. At minsan nagtatampo siya dahil daw nakakalimutan ko na siya. Napaka childish niya talaga pero sa tingin ko mas mabuti iyon kesa ang maging seryoso siya.

Sinundan ko siya nang tingin at kasama niya pala si Ash. Magkapareho sila ng pangalan ngunit may 'Y' lang kay Ashy.

Matapos naming kumain syempre tumungo na kami sa building namin. Nagpaalam rin si Brinna kase sa kabilang building ang silid ng S class.

Pagpasok namin, may sari-sariling mundo ang mga kaklase namin kaya walang pumansin sa presensya namin maliban lang siguro kay Zach na kinamusta si Serah. Sobrang halata talaga na may gusto siya sa kaibigan ko ngunit mukhang dedma naman si Serah. Manhid ata ito!

Nang umupo na si Serah sa upuan niya, umupo narin ako at bumati kay Mirako. Mga ilang minuto lang dumating si Ma'am Lydia. Syempre nagulat kami dahil hindi naman siya ang First subject namin ngayon.

"Ms. President and Mr.Vice-President come to my office after your class". Tanging sabi niya saka umalis. Sabay naman nito ang pagpasok ng susunod naming guro.

******

NASA gym ngayon ang First Class. At nasa umaga naka-schedule ang P.E time nila na pinagsabay naman sa S class at Second Class. Nilapitan ni Maryann si Serah at binigyan ng tali ng buhok dahil sa napansin niyang pinapawisan narin ito. Ngunit laking gulat niya nang sinabi ni Serah na.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon