Volume I: chapter 6

76 3 0
                                    


Paalis na ngayon ng school si Serah nang may naka rinig siya na sigaw ng babae na animo'y galit. 

Nakita ni Serah mula sa malayo na umiiyak yung babae sa harapan ng lalakeng naka tingin lang sa kanya na parang naiinip. 

Gusto ni Serah na lumapit para puntahan ang babae pero hindi niya naman alam anong nagyayari.
"If you hear, act like you didn't. If you saw, act like it's nothing". Tanging nasabi niya at tumalikod, aalis na sana siya ng magsalita ang lalake.

"Tapos ka na bang magdrama?  Kase hinihintay niya na ako"
Sabi ng lalake sa babae. Hindi napigilan ni Serah na lumingon, hindi niya makita ang mukha ng babae kase naka talikod ito pero halatang nagulat sa sinabi ng lalake pero hindi na pinansin ni Serah at humakbang na sana para umalis.   Kailangan niya nang makarating sa gate baka hinihintay na siya ni Mang Nicolas.

"anong ibig mong sabihin? "

"hayst aalis na siya". Sabi ng lalake habang nakatingin sa direksyon ni Serah dahil napansin niya si Serah kaya kailangan niyang magsinungaling at gamitin si Serah para lubayan na siya ng babae. Ngunit hindi na ito narinig ni Serah kaya naglalakad na siya ng dalawang hakbang.

Hindi pa siya nakalayo ay agad na may humawak sa kamay niya na ikinagugulat niya.

"maiwan na kita kase baka magalit na itong girlfriend ko...halikana babe". Sabi niya sa babae at mabilis nahanawakan ang kamay ni Serah. Tumalikod na siya sa babae at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Serah at hinila para sumama sa kanya. 

"you're so mean Lancelot!!!  I hate you! ". Sigaw ng babae na mangiyak-ngiyak na sa lalake. Hindi niya ito pinansin at binilisan niya pa ang paglakad niya at sinusubukan siyang pigilan ni Serah.

"Begone"

Hindi niya lang ito pinansin. Bagkus ay nag diretso lang ito sa pag lalakad habang hila hila ang kamay niya. Hindi niya nasabi sa babae kanina na hindi niya kilala ang lalakeng to dahil narin sa nagulat siya sa agad na inakto ng lalake.

Nasasaktan na si Serah sa ginawa niya.  Ang sakit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Serah kaya napangiwi na lamang ito.  he is strong!

Nang makalayo na sila sa lugar na iyon. Huminto sila sa ilalim ng malaking puno at agad niyang binitawan ang kamay ni Serah. napaungol nalang siya ng mahina dahil sa sakit.  Pakiramdam niya tuloy nabali na ang mga buto ng daliri niya.

" hindi kita kilala. Sino ka ba?  Babalikan ko yung babae at sabihin sa kanya ang totoo"

Hahakbang na sana siya para bumalik sa lugar na iyon.  Pero sa isang iglap lang hinila ng lalake ang braso niya at sinandal siya sa puno. Napapikit na lamang siya sa sakit dahil malakas siyang tinulak para makasandal sa puno.  Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang minulat niya ito dahil sobrang lapit ng mga mukha nila.  Tinulak niya yung lalake pero agad niyang nahawakan ang mga kamay ni Serah at nagsisimula na siyang pumiglas. 

"What are you...? "
Pagpupumiglas niya. Hindi lang siya pinansin ng lalake. Sinandal nya lang ang kanyang kanang palad sa puno.  Now she's being cornered. Walang emosyong naka tingin ng diretso si Serah sa mga mata ng lalake habang ang lalake naman nakakunot ang noo.

"walang aalis, walang magsusumbong"
Mahina pero may pagka diin niyang sabi. At binitiwan niya na ang kamay ni Serah. Tumalikod siya kay Serah at nilagay ang kaliwang kamay sa bewang niya. At binalik ang atensyon kay Serah.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon