Volume 1: chapter 28

30 2 0
                                    

Alas dose nang tanghali natapos ang klase ng special class. Nagsipaalam na ang iba sa kanilang mga guro at tumungo sa kanilang mga dorm, ang iba naman ay naglalaro sa may field, ang iba ay makikita sa lounge ng Dorm.

Tutungo na sana si Brinna kay Serah nang makita niyang inunahan siya ni Neil. Nakatayo ito sa tabi ni Serah at tila nag-uusap ang dalawa. Napakunot ang noo ni Brinna dahil hindi niya alam anong pinagusapan nang dalawa at ano naman ang pakay niya kay Serah? She really hates that girly boy. Kaya naisipan niyang maglakad papalapit sa kanila.

Bumalin ang atensyon nilang dalawa sa papalapit na si Brinna.

"Sasamahan ko lang si Neil". Agad na sabi ni Serah kay Brinna. Masama siyang bumalin kay Neil na nakatayo lang hindi man lang siya pinansin.

"huh? Bakit? ". Pinandilatan niya pa nang tingin si Neil. Mahinang napasinghal si Neil sa inis at tumingin sa ibang direksyon. He really can't handle girls.

"we have something to talk about. Siguro puntahan mo muna si Maryann at hahabol lang ako". Paliwanag niya. Pero mas lalong nainis si Brinna.

"ano ang gagawin mo sa Fortez? ". Inis niyang tanong.

"didn't you hear? We have something to talk about". Malamig niyang tugon dahil ayaw niyang sisira lamang si Brinna sa plano nila na kausapin si Serah.

"I'm not talking to you". She rolled her eyes. Neil is done with her, though it was just a short time he can't handle her anymore, especially her attitude. He took a deep breath and face Serah and said.

"magkita na lang tayo doon". Tanging sabi niya at umalis na dahil kahit saglit lang ang pagtatalo nila ni Brinna napagod na siya at gusto na niyang magpahinga, he never wasted his energy before and he doesn't want to waste them any more than this , while arguing with Brinna. tiningnan niya sa huling pagkakataon si Brinna na ngayon nakatingin sa kanya na parang isang nakakadiring bagay. He just made a tch sound then walk away.

"ano bang pag-uusapan niyo? ". Balin niya kay Serah nang makalayo na si Neil.

"hindi ko din alam, basta ang sabi niya importante. So I think I should go"

"sasama ako"

"no.. " agad niyang sabi. "he also said, kami lang. I'm sorry Brinna but I think you should go with Maryann for now. Please". Dahil sa pakiusap niya walang nagawa si Brinna kun'di ang hayaan na lamang si Serah. Naisipan na nilang umalis sa silid. Tinuro naman ni Brinna sa kanya ang palabas dahil tutungo muna siya kay Maryann. Matapos niya iwan si Serah ay naglakad na ito papunta sa lugar na pinagusapan nila ni Neil.

"HINDI ko akalain na siya pala 'yon?". Bulong ni Bryne sa kanyang sarili. Naglalakad sila ngayon sa hallway nang building C kasama si Zach.

"sino?". Tanong ni Zach.

"hindi mo pa nakita si Serah mula pa kanina?".

"Hindi pa, bakit?".

"makikita mo, tara! mauna na tayo sa garden of words"


"TOOK you long enough.." mahinang sabi ni Neil sa kakarating lang na si Serah. He leaned back on the tree while folding his arms.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon