Volume 1: chapter 8

55 3 0
                                    

MARYANN LUKA

Nakita kong nalaglag ang panga ni Serah sa mga nakikita niya ngayon.

"hindi mo inexpect na ganito kadaming estudyante dito nuh?". Inunahan ko na siya. Bumaling siya sa akin at nag salita.

"no, actually ito ang unang pagkakataong makita ko ang cafeteria sa personal na hindi tulad sa your cafe sa dorm building". Nakikita kong kumikinang ang mata niya kahit pa walang emosyon sa kanyang mga mukha.

But what? Unang pagkakataon? You mean first time? Wala ba silang cafeteria sa school niya dati?

Nilibot ko ang paningin ko, syempre walang naka pansin sa amin na pumasok dahil maraming peragon at may ginagawa din sila. Malawak ang cafeteria at medyo madami ang pumipila sa counter. At dahil nasa Set C kami kaya makikita na parang same cafeteria lang din na tulad sa ibang school. Maingay, marami ka ring makikitang mga pasaway dito. Ang mga set A ay pwedeng pumunta dito pero mga Set C naman ay hindi sila maka punta sa Set A. Liban nalang may kasama kang peragon na mataas ang ranking sa set A.

Bitches, gangsters, bullied makikita mo dito. Yung ibang Set A na gangster ay mas ginustong manatili dito dahil maingay at pwede silang manggulo.

Pumunta na kami sa counter para makapili ng pagkain. Parang nasa fast-food kalang na nasa itaas ang mga menu na makikita mo. Sinabi ko kay Serah na libre ko ngayon kaya pwede siyang kumain ano man gusto niya. At laking gulat ko ng sinabi niyang hindi niya pa natikman ang mga pagkain na naka lagay sa itaas. Well, may mga pagkain na recipe mismo ng PJ High but why she's not familiar about the food that can be found in people's daily life. Hayst Kaya ako na nag-order para sa kanya.

2 slice of pizza, isang milktea at beef steak w/rice. Hindi pa daw kase siya kumain kaya dinamihan kona.

Nang makahanap na ako na available na table ay tumungo kame roon. Pinagtitinginan naman kami ng mga kasama ni Cloe, the witch at pati narin ng ibang lalake dahil kay Serah.

Nilapag na namin ang tray na dala namin at halata naman kay Serah na sabik na sabik na itong tikman ang pagkain.

Habang kumakain kami ay pansin kong napahinto siya at tumingin sa itaas ng likod ko kaya sinundan ko ito ng tiningnan ko kung anong meron sa likod. Nakatitig pala siya sa malaking tv screen na naka dikit sa pader. Dito sa cafeteria ay may dalawang tv screen na kasing laki ng kalahating plywood.

"maraming kang makikitang ganyan sa loob ng campus na ito, automatic yan mag open kung may balita ang mga reporters sa atin.. "

"Gaya ng? "

"hmn... Tulad nalang ng mga band sa PJ high na 'to kung kailan sila mag la-live, magbabalita rin sila kung kailan ang signing ng mga author at kung anong nangyayari sa sport at marami pang iba."

" nakapunta kana sa set A, hindi ba? Anong pinag kaiba dito at sa set A?". Tanong niya.

"yung cafeteria kase nila parang sosyal na restaurant , alam mo yun ang mamahal ng mga pagkain nila. Hindi mo na kailangan pumunta sa counter para kumuha mga pagkain at magbayad. May menu silang iibigay sayo at sabihin molang yung order mo sa mga waiter pero ang mga waiter nila ay hindi tao... "

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon