Volume 1: chapter 26

39 3 0
                                    

Nang makasigurado na si Maryann na wala nang Peragon sa boy's dorm ay maingat siyang tumungo sa private room kung saan doon mahahanap ang room ni Kyle.

Nasa tapat niya na ang pinto nito at bumuntong hininga muna siya bago kumatok at ipinihit ang door knob. Bago pa siya makarating sa boy's dorm ay tinext siya ni Kyle na bukas ang pinto at kumatok lang siya bago buksan ito.

Nang mabuksan niya ang pinto ay agad siyang pumasok at sinarado ito. Nang tumalikod siya ay madilim ito dahil hindi naka-bukas ang ilaw. Memoryado niya ang kwarto ni Kyle kaya kahit madilim alam niya ang patungo ng switch ng ilaw nito, habang patungo doon ay marami siyang naapakan ng ikina-kunot ng noo niya. Kaya nag-ingat siya sa kanyang aapakan baka may maapakan siya na hindi dapat maapakan. Dahil sa madilim kaya hindi niya malaman kung anong nangyari sa loob ngunit isa lang ang masasabi niya na maraming kalat sa kwarto ni Kyle.

Huminto siya at kumapa-kapa sa pader at agad niyang pinindot ang switch nang mahawakan niya na ito at tumalikod. Napasingap siya sa gulat nang kanyang nakita.

Hindi lang makalat ang kwarto ni Kyle kundi may mga nabasag na makikita sa sahig. Nakita niya rin ang mga bulak na may dugo at betadine na nagkalat sa sahig pati narin ang mga first aid kit. Lahat ay hindi naka ayos at halatang itinapon nito ni Kyle. Kilala niya si Kyle pero hindi niya akalain na ganito ang gagawin niya kahit na mukhang kalmado ang mukha nito at parang hindi apektado sa nangyayari sa kanila.

Nilagay niya sa likod ng kanyang tenga ang mga buhok niyang nakapalawit sa kanyang mukha at dumapa para pulutin ang mga basag na gamit na nasa sahig.

"don't you dare". Malamig niyang sabi mula sa sulok na nag-echo sa buong silid bago pa pulutin ni Maryann ang basag na bagay sa sahig. Inangat ni Maryann ang kanyang mukha at hinanap ang boses niya.

"Ashy?". Tawag niya habang nilibot ang kanyang mga mata. Tumayo siya hanggang sa nakita niya si Kyle na naka-upo sa sulok habang may naka-balot na mga bandage sa kanang kamay nito na hindi naka-ayos. He's looking at her with his fierce eyes. He still wearing his under shirt and the necktie under his collar is purposely loosened. Naka-patong ang kanyang kanang braso sa kanyang tuhod. Hindi siya pumasok sa klase kanina matapos kumanta sa recording studio dahil narin sa nakita niya kanina sa elevator kaya naisipan niyang dito mag wala sa loob. Hindi niya rin akalain na pupunta talaga si Maryann at hindi manlang niya naayos ang paligid ngunit huli na para ayusin ito.

"yung kamay mo". Mahinang sabi ni Maryann. Gusto niya itong lapitan at ayusin ang bandage sa kamay niya ngunit bago pa niya 'yon naisip ay inangat ni Kyle ang kanyang kanang kamay para ipaayos kay Maryann nang hindi nagsasalita. Kaya agad na lumapit si Maryann at inayos ang bandage sa kamay niya. Nang maalis niya ang bandage saglit nanlaki ang mga mata niya sa mga gasgas na nakikita niya sa kamay nito. Iniisip niya na bakit hindi niya ito napansin kanina. Seryoso lang naka-tingin sa kanya si Kyle. Gusto niya mang sermonin si Kyle ngunit sa itsura nito ngayon ay hindi niya magawa baka papaalisin lang siya nito kung sesermonin niya. Nang matapos niya nang balutin ang bandage sa kamay nito ay napa-upo siya sa harapan ni Kyle habang naka-yuko. Iniisip niya kung paano siya magsisimula, her thoughts and emotions can't come up into words. Lalo pa't nang makita niya si Kyle sa ganitong sitwasyon tulad ng naramdaman niya kanina ng makita ni Kyle ang pagyakap ni Suho sa kanya. Tila lumubog ang puso ni Maryann na hindi niya maipapaliwanag.

"Ashy.." bago pa niya pinatuloy ang kanyang sasabihin bigla siyang niyakap ni Kyle na ikinagulat niya. Natatakot si Kyle sa sasabihin sa kanya ni Maryann kaya naisipan niyang unahan ito. Agad namang nanghina si Maryann ng muli niyang naramdaman ang yakap niya. Na miss niya na ito at pakiramdam niya ay ano mang oras ay tutulo na ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Ash?". Bulong ni Maryann. Ngunit mas lalo hinigpit ni Kyle ang pagkakayakap niya kay Maryann na takot na baka bitawan niya ito ay aalis ang dalaga.

The Academy Of ParagonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon