1. SA PAGITAN NG IKAW AT AKO

67 5 0
                                    

Taong dalawang libo at labing dalawa.

Tulad ng isang pamilyar na eksena sa pelikula.

Dumaan ka at agad kitang nakita.

Sinundan kita bitbit ang pag-asa na lilingon ka.


Sa pagkakataong iyon,

agad tinugon ni Bathala ang panalangin.

Parang narinig mo ang bulong nang aking damdamin.

Lumingon ka at matamis na ngiti ang ipinukol sa akin.


Parang tumigil ang oras.

Pansamantalang huminto ang mundo.

Naglaho ang ibang tao sa paligid ko.

Ang tangin nasa isip lamang ay ikaw at ako.


Ang ikaw at ako na tanging sa panaginip lamang nagkakatotoo.

Ang ikaw at ako na nabubuo lamang sa mga kuwento.

Mga kuwentong isinusulat ko at nababasa ng buong mundo.

Pero kahit kailan hindi mahahagkan ng puso mo.


Taong dalawang libo at labing siyam.

Sa wakas, napalaya ko na ang puso ko ng tuluyan.

Muli kitang nasilayan sa pagkakatong di inasahan.

Sa pagitan ng mga ilaw sa lansangan.


Sa magkabilang dulo ng daan tayo ay nagkatanawan.

Gusto kitang tawagin pero hindi ko na nagawa.

Sa huling pagkakataon lumingon ka.

Mababakas ang mensahe sa iyong mga mata.


Mensahe nang pagpapaalam.

Mensahe nang pasasalamat.

Mensahe na nagsasabing,

"Tama na. Hanggang dito na lang."


Makalipas ang pitong taon, nagpaalam ako.

Sa mga kuwento na ako lang ang lumikha.

Mga kuwento na ako lang ang gumawa.

Salamat sa pagiging bahagi ng aking mga akda.


Mga kuwento nang pagmamahalan,

na ikukulong ko na lamang sa mga tula.

Mga tula na paulit-ulit mong ipagkakaila.

Panahon na para sa tuluyan nating paglaya.


Yayakapin ko na ang mga salita

sa pagitan ng ikaw at ako:

SA KABANATANG ITO

WALANG TAYONG DALAWA.

Tatlong Dekada (Filipino)Where stories live. Discover now