CHAPTER XVII; Start of Something New

6 6 0
                                    

-KIANDRA-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-KIANDRA-

Nagulat na lang ako ng halikan niya ako ng dahan-dahan sa labi. Tila ba may sariling isip ang labi ko at kusa itong tumugon sa halik niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko ma-sink in ang lahat ng mga sinabi niya sa utak ko.

Siya si Drik? Paano nangyari 'yon? Kaya ba meron din siyang kwintas katulad ng 'akin? Buti naaalala niya pa ako? Saan siya nanggaling? Bakit ngayon lang siya? Ang dami kong tanong na gusto kong sagutin niya, pero hindi ko alam kung paano itatanong ang mga 'yon.

Pwede bang mag ditch na lang tayo para makwento ko sa'yo lahat"? Nakahawak pa rin siya sa pisngi kong sambit niya. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

The next thing I knew, nasa loob na kami ng kotse niya. Pinapaandar na niya ito. Ako, nakatingin lang sa labas ng bintana. Hindi ako makakuha ng kahit anong salita para sabihin o itanong sa kaniya.

Hours passed nang ihinto na niya ang kotse. Pumunta kami sa isang mataas na lugar. Hindi ko masabing bundok siya, dahil hindi naman siya mukhang bundok at mataas na lugar lang siya. May mga berde itong mga damo na sariwang-sariwa na pwede ka nang humiga. May iilan ding mga bulaklak dito.

Ang sarap siguro mag star gazing dito kapag gabi.

"Mainit pa naman. Doon muna tayo sa bahay". Hinila ako ni Montallan- este Drik, sa isang bahay. Maliit lang siya. Hindi mo masasabing modern 'to, pero hindi mo rin masasabing isa siyang lumang bahay.

Pumasok kami sa loob at umupo kami sa may sofa. "Bahay niyo ba 'to? Nasaan na sila Tita at Tito"? Tanong ko. Nagulat ako nang tumawa siya ng mahina. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Anong nakakatawa"?

"Nothing. Sila Mom and Dad naiwan sa States. Ako lang ang umuwi rito at hindi namin 'to bahay". States? Do'n din sa States nanirahan si Alexa hindi ba? "Yes. Nagkita kami ni Alexa sa States".

Nababasa niya ba ang tumatakbo sa isip ko? Napakunot ako ng noo.

"Eh bakit mas nauna kang umuwi rito sa Pilipinas kung nagkita pala kayo ni Alexa doon"?

"May mga bagay pa raw kasi siyang kailangan gawin sa states. May sinabi rin kasi siya sa aking bagay na nakapag bukas ng isip ko kaya agad akong bumalik dito, na muntikan ko nang makalimutan dahil naduwag na naman ako".

"Ano naman 'yon"?

"Ikaw".

"Ha? Ako? Bakit ako"?

Love and Lost (On Going - Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon