CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)

21 29 1
                                    

-KIANDRA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-KIANDRA-

"Tulungan mo ako makapagmove on, Kia."

Paano ko naman daw kasi siya matutulungan, aber? Jusko! Bakit ako pa ang napili niyang tumulong sa kaniya para makapag move on? Hindi man lang kasi niya pinaliwanag sa akin kung paano at anong klaseng tulong ang kailangan kong gawin para makapag move on siya, dahil bigla na lang siyang umalis noon basta-basta.

'Tulungan mo ako makapagmove on, Kia.'
Tulungan mo ako makapagmove on, Kia.'

"Haist!! Nababaliw na ako"! Sabay gulo ko sa buhok ko.

Pambihirang Ralph 'to!

"Hey. Are you okay? Problem"?

"H-ha"? Tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko.

May nakakatawa ba?

Kasalukuyan nga pala kaming nandito ni Drik sa bahay kung saan kami tumatambay.

Monday ngayon kaya pagkatapos nang klase, ay agad na niya akong niyaya rito. "Kanina pa kasi kita kinakausap, pero tulala ka lang jan. Tapos ngayon naman bigla kang sisigaw. Tell me, what's the problem"? Concern na tanong sa akin ni Drik.

"Kasi ano eh... Diba nung nag picnic tayo, sinundan ko si Ralph"?

"Yes? What about that"?

"Kasi ano eh"...

"Kasi ano"?

"Ano... Sabi niya kasi tulungan ko raw siya mag move on eh".

"Oh? Dahil lang do'n natutulala ka na"?

"Syempre. Paano ko naman kasi 'yon gagawin diba? Atsaka bakit ako pa? Atsaka... Baka ano kasing isipin mo". I said while pouting.

"Easy. Libangin mo siya para madali niya agad makalimutan yung nararamdaman niya for Alexa. And maybe because you're his friend and he trust you more than me, Jake or anybody else, kaya ikaw ang napili niyang tulungan siya. And ano naman kaya ang iisipin ko kung ikaw ang pinili ni Ralph"? Mahina itong natawa bago nagpatuloy. "Sabi ko wag kang ngumuso-nguso jan".

"Syempre. Kapag tinulungan ko siya, kami na lang lagi magkakasamang dalawa. Paano tayo? Hindi na natin masosolo ang isa't-isa". Gulat akong napatingin sa kaniya nang marealized ko ang sinabi ko. I cleared my throat as I continue talking. "I-I m-mean, yung time ba". Ngumuso na naman ako.

"Pwede tayong magkaroon ng time sa isa't-isa kahit kasama natin si Ralph". Ipinatong nito ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko bago nagpatuloy. "Wag mo nang isipin 'yon para hindi ka na ngumuso jan"! Tumawa na lang siya sabay gulo ng buhok ko.

Well. May point naman siya. Pero kasi... Napabuntong hininga na lang ako.

Bahala na nga si Batman! Patay ka lang talaga sa akin Ralph kapag nabaliwala 'tong pagtulong ko sa'yo na hindi ko alam kung papaano ko sisimulan.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now