CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana

117 45 26
                                    

-KIANDRA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-KIANDRA-

"May ipapakilala ako sa'yo bukas".

Para akong tanga na kanina pa nakatulala sa kisami ng kwarto ko, at tila bulate na nilagyan ng asin, dahil sa hindi ko pagpakali kung anong pwestong higa ang gagawin ko.

Gabi na, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin kanina ni A-aron.

Sino ba kasi yung ipapakilala niya sa akin?

Sa dinami-raming nireto sa akin ni A-aron, ngayon lang ako naintriga ng ganito.

Nang pakiramdam ko mababaliw na 'ko sa kakaisip, tumayo na lang ako at lumapit sa may study table ko. Bubuksan ko na sana ang laptop ko para i-check ang facebook ko, nang biglang may kumatok.

"Kiandra? Iha. Nakahain na sa baba. Kumain na tayo". Boses ni Yaya.

"Opo. Susunod na po ako".

Mamaya na nga lang.

Sinara ko na lang ulit ito at tumungo na sa pintuan ng kwarto ko para buksan.

Pagkababa ko, nakita ko agad sila Yaya at Aaron na naka-upo at ready nang kumain.

Naghugas na muna ako ng kamay bago tuluyang umupo sa pwesto ko.

Tahimik lang kaming kumakaing tatlo at binabaot ng nakakabinging katahimikan. Tanging ang maingay lang, ay ang pag bubungguan ng aming mga kobyertos.

"Iha. Kamusta naman ang klase mo ngayon"? Pang babasag ni Yaya sa katahimikan.

Salamat naman. Muntik ko nang kausapin ang mga kobyertos.

"Ayos lang po. Wala naman po masyadong pinagawa sa amin kasi first day pa lang naman".

"Gano'n ba? Mabuti naman. Bakit naman gano'n? Alanganin ang unang pasok niyo sa eskwela"?

Friday ngayon, at bukas, Saturday na. Alanganin man, pero pabor na sa akin ang ganito. Atleast, may dalawang araw pa akong magliwaliw bago man lang dumugo ang utak ko this school year.

"Mas okay na po ito. Atleast, mapaghahandaan ko pa po ang pag dugo ng utak ko". Sabay kaming mahinang natawa ni Yaya.


"Be ready for tomorrow. Mga 1pm ay aalis na tayo rito sa bahay".

Kaya hindi nagkakajowa ang isang 'to eh. Masyadong seryoso sa buhay.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now