CHAPTER XXX; LQ

0 0 0
                                    

-KIANDRA-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-KIANDRA-

Ilang araw na ang lumipas simula nung pumutok ang issue ko at ang pagtatalo namin ni Drik. Since then, puro pag-iiwasan ang lang ang ginagawa naming dalawa.

Balak ko pa sana siyang amuhin noong araw na iyon, pero napikon ako ng bigla siyang magpalipat ng upuan niya at kahit naririnig na niya ang mga komento sa akin ng mga estudyante sa school, ay wala siyang sinasabi para ipagtanggol ako. Tia, mas ipinapamukha niya pa sa buong eskwelahan na totoo ang issue sa akin.

Boyfriend ko siya. Diba rapat na siya ang unang naniniwala sa akin kesa sa kahit na sino man? Kaso hindi eh. 

Napabuntong hininga ako. "Huwag mo na masyadong iniintindi 'yon".

"I can't help it".

"Hmm". Abot sa akin ni Jicyl ng baso niyang mababasagin na may lamang alak. Kinuha ko ito at nginitian siya. Gano'n din naman siya sa akin, bago naupo sa tabi ko na may hawak din na baso. Parehas kaming sumimsim sa mga inumin namin, habang nasa TV ang mga paningin.

Nandito kami ngayon ni Jicyl sa condong tinutuluyan niya. Wala rin namang pasok ngayon, kaya walang problema. Dito ko muna siya niyaya, dahil ayoko muna sa bar ni Ralph. Nalaman ko kasing doon nakatira si Drik, kaya gusto ko munang umiwas. Hindi pa ako ready na makausap siya. Masama pa ang loob ko sa kaniya. At hindi ko kontrolado ang kilos ko, kapag mas nangingibabaw ang emosyon ko.

"I'm sorry". Napatingin ako kay Jicyl nang sabihin niya iyan.

"For what"?

"For this". Napakunot naman ang noo ko. "I mean, kung hindi kita niyaya ng gabing iyon, hindi sana mangyayari 'to".

Pabiro ko itong siniko. "Hindi ko masasabing okay lang 'yon, dahil hindi okay para sa akin ang mga nangyayari ngayon, but it's not your fault".

"Still"...

"Nah. Dapat nga at si Drik ang nanghihingi ng sorry sa akin ngayon eh. Dahil boyfriend ko siya, pero sa iba pa siya mas naniwala kaysa sa akin".

"Ang mga lalaki talaga, lason". 

"Hindi ako tututol jan". Nakangiting pagsang-ayon ko. Parehas kaming natawa ni Jicyl.

"Nga pala. Hindi ka ba nam-miss ng Daddy mo"? Tanong ko. Himala kasi at nakatagal ng ilang buwan ang Jicyl dito sa bansa nang hindi siya pinababalik ng Daddy niya.

"Lagi niya akong kinakamusta, pero mas okay na raw na nandito ako, dahil hindi naman daw niya ako masyadong mabibigyan ng pansin doon at busy daw ngayon sa kompanya". Napatango ako. "Anyways"...

"Hmm"?

"Tingin mo, kamusta na kayo ang babaitang Alexa"? Taka naman akong napatingin sa kaniyang nasa TV pa rin ang paningin.

"I thought you don't like her? Bakit ngayon parang nam-miss mo siya"?

"Tsk, gaga hindi. I mean, she's still your friend though. But it can't change the fact that I still don't like her".

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now